trece.

711 35 7
                                    

Vinson:
Pst, anong oras ka pupunta sa condo? Nasa school pa 'ko.

Ako:
Mga before dinner. I'm still waiting for my friend.

Vinson:
Alright. Bili mo 'kong drink sa SB.

Panandalian kumunot ang noo ko dahil sa text niya bago ko inilagay sa bulsa ng denim rompers ang cellphone ko. Napakarami niyang pinabibili sa akin ngayong araw. Naglilihi yata itong lalaking ito, e.

"Magdidikit na 'yang kilay mo, sis."

Dumating si Ayel sa harap ko. Nawala ang salubong kong kilay nang nakita siya kasama ang iba pa naming mga kaibigan sa likod niya.

"O, bakit kasama 'yang mga 'yan?" Tinuro ko ang mga nakangiting mga lalaki at mga pormal na nakatayo roon.

Nilingon ni Ayel sila Luigi. "Ah, wala raw silang magawa, e. Hindi mo nakita 'yung mga chat sa group?"

Umiling ako. "Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Ang sungit naman?" Tumaas ang kilay niya sa akin at tumawa.

Kay Ayel lang talaga ako nagpapasama sa supermarket. Gaya ng sinabi ko, parang naglilihi si Vinson sa dami ng pinabibili niya sa akin. Mahilig siyang magluto, alam nating lahat iyon, at ngayon nakaisip siya ng bagong sariling recipe at hindi ko maintindihan ang magiging lasa noon tuwing nakikita ko ang listahan.

Pagkatapos ko bilhin lahat ng inutos niya, didiretso na ako sa condo unit niya. Plano niyang gawing dinner namin iyon. Dasal at tiwala lang ang kailangan ko ngayong gabi para hindi masira ang tiyan ko.

Ako ang nagtutulak ng grocery cart habang nagkukwento si Ayel sa lalaking nakita niya sa paghahanap niya ng trabaho. Ang mga kaibigan naming lalaki ay humiwalay sa amin at naglibot yata sa buong grocery store. Ani Ayel, ni katiting ng koneksyon ng pamilya niya sa mga makapangyarihang tao ay ayaw ipagamit sa  kanya ng tatay niya kaya nahihirapan din siyang humanap ng trabaho.

Well, Vinson's mother offered me a job on their company. Nakakahiyang tanggihan iyon pero nakakahiya rin namang tanggapin agad kaya sinabi kong pag-iisipan ko. Nakakatakot na isipin ng pamilya ni Vinson na ginagamit ko lang ang lalaking iyon.

Malaki ang tyansang tanggapin ko iyon lalo na at hindi pa sumasagot ang mga kumpanyang mga pinuntahan ko.

"Baka kakilala ni Vinson 'yon, Ra..." Kinikilig niyang sinabi.

Lumapit si Marco na may dala-dalang Koko Crunch bago niya iyon nilaglag sa cart at muling umalis. Hinayaan ko siya at tumigil sa mga rekado ni Vinson.

"Bakit? Med student ba?"

"Ewan ko lang. Oo yata. Pero sure ako taga-Siena!" Inalog niya pa ako.

Tumango ako. "Anong pangalan? Alam mo?"

"Ivan. 'Yung lang nakita ko, e."

Ivan? Parang familiar.

Habang namimili ako ng carrots, Luigi tossed some instant noodles inside the cart. He didn't even look at me so I found it weird. Ang seryoso ng mukha niya! Pati ni Marco.

Muli kong tinulak ang cart at lumapit sa mga tokwa. Si Jeron naman ang may hawak na tray ng itlog habang si Rolann ay may hawak na tuyo at dilis ang nagpakita sa amin. Katulad nang dalawa, nilagay rin nila iyon sa cart.

UnistusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon