Chapter 18

384 13 0
                                    

"Waaah! Lea, namiss kita!" Patakbong sabi ko sa kaniya, sinalubong niya naman ako at niyakap. Tawa pa din ito ng tawa. Hindi ko iniexpect na makikita ko siyang kasama si Nicole at hinihintay ako ngayon.

"Namiss ko rin kayong dalawa. Pasensiya na, laging busy. Alam niyo naman... Magaling sumayaw ang kaibigan niyo." Pagyayabang niya. Hindi na talaga siya nagbago. Pakiramdam ko ilang buwan kaming hindi nagkasama. Nakakamiss ang kadaldalan niya eh. "Kumusta na pala kayo?"

Naupo muna kami sa bench para bumwelo, dahil panigurado hindi kami mauubusan ng kwento sa isa't isa. Hehe. "Bukod sa maganda pa rin, hindi rin paawat ang buhok nitong si Kieshia. Grabe girl, alam mo bang kating kati na akong putulan siya ng buhok? Gosh!" Sagot ni Nicole na halata namang nanggigigil na sakin kaya pasimple akong umiwas sa kaniya kaya nagsitawanan sila. -.-

"Hahaha. Bakit naman? Oh! I knew it! Ikaw pala ang ilalaban ng section niyo, right? Oh my gosh girl! Goodluck sa'yo! I know naman you can do it." Masayang pagchi-cheer sakin ni Lea. Magsasalita na sana ako pero nagsalita siya ulit. Mukha ngang masaya talaga siya eh. "Kumusta naman ang magiging partner mo? Gosh Kieshia, I kennat! Kung hindi pa sinabi sakin nitong si Nicole na si Calyx Rio ang partner mo, mahuhuli na talaga ako sa balita! Grabe." Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Yeah. Tinawagan ko kasi si Lea kanina, nabanggit ko na si Calyx Rio ang gusto mong maging partner.. Ewan ko nga sa babaeng 'to, right after I call her, nandito agad. Hahaha!" Tukoy niya kay Lea. "Hindi ka naman excited besy?" Dagdag niya pa.

So, alam pala nila na si ang Calyx ang partner ko?

Tss! Yun nga pala ang alam ni Nicole kanina nang iwan ko siya sa M'Canteen.

"Yeah! I'm sooo excited! 'Diba may practice kayo? Tara na sa gymnasium dali. Kyaaah! I kennat na talaga!" Sabay hila sakin ni Lea.

Shocks! Pano ko sasabihin na si Brix ang partner ko at hindi si Ocampo?

Paano kapag nagalit sakin si Lea. Huhu.

"Kieshia okay ka lang? Wag mong sabihing, kinakabahan ka?" Tanong ni Nicole habang nakahawak sa braso ko. Hila-hila nila ako sa magkabilang braso at papunta na kami ngayon sa gym. Huhu

"Haha. 'Wag kang kakabahan ano ka ba? Nandito naman kami ni Nicole para magcheer sa'yo." Nakangiting sabi naman ni Lea.

"Ah. Eh kasi... hindi naman si---"

Hindi ko na napatuloy ang sinasabi ko dahil biglang nagtilian ang mga estudyante.

"Oh god! Nandito na ang partner mo Bes! Yiee." Panunukso ni Lea.

Napalingon naman ako.

O_O

Si Calyx Rio.

Oh noes! Makakasalubong pa namin siya!

"Baka susunduin ka? Ikaw Kieshia ah. May hindi ba kami nalalaman?" Gatong naman ni Nicole.

"Bakit kaya wala si Brix Kian?" Narinig kong bulong ni Lea dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Bakit Kieshia?" Sabay na tanong nila dahilan para mapahinto kami sa paglalakad.

Napalingon naman si Lea sa unahan namin at nanlaki pa ang singkit niyang mga mata bago nagsalita. "Bes! Ayan na ang partner mo!" Tila kinikilig na bulong niya sakin.

"C-Cr lang ako..." Sabay talikod ko at dali-daling naglakad paalis sa kanila. Narinig ko pang tinawag nila ako at sasama raw pero hindi na ako lumingon pa.

Wala akong kamalay-malay na nasa building 4 na ako, kung saan walang tao maliban sakin. Tahimik dito, mahangin, at masasabi kong masarap matulog sa lugar na'to. Halatang walang ibang pumupunta dito dahil walang ibang makikita dito kundi ang langit.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now