Chapter 24

419 11 4
                                    

Pagkatapos kong magtanong-tanong kay Grexthel ay wala naman akong nakuhang matinong sagot. Wala rin daw kasi siyang alam sa takbo ng isip ng kaibigan niyang si Calyx. Gusto ko pa naman sanang malaman kung bakit naging cold siya sakin bigla. Hays.

"Uy girl, okay ka lang?" Napatigil ako sa tanong ni Nicole.

"Ah. Oo naman. Ikaw, okay ka lang ba?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Huh?"

"Haha. Kanina kasi wala kang ibang ginawa kundi barahin si Grexthel, okay naman siya ah. Mabait nga eh..."

"Tss. Napakahangin."

"Alam mo, bagay kayo."

"What? Ugghh! No way!" Natatawa nalang ako sa iniaasta ng kaibigan ko.

"Oh pano, punta na ako sa next subject ko..."

"Okay bessy. Later nalang." Tumango naman ako at naglakad na.

"Miss Lim? Miss Lim..." Napahinto ako dahil sa narinig ko at agad na lumingon.

"Ma'am Say, bakit po?"

"Uhm, pahatid naman ako nito sa librarian, if it's okay?" Tukoy niya sa envelope na hawak hawak niya.

"Sige po Ma'am."

"Thank you Miss Lim." Sabay abot niya sakin ng hawak niya. Tumango naman ako at naglakad na ulit pero this time sa library muna ang punta ko.

"WAAAAH! SI CALYX RIO!" Bigla akong napahinto sa paghakbang nang marinig ko ang tilian ng mga estudyante.

Si...

Makakasalubong ko siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Tahimik lang siyang naglalakad at mukhang malalim ang iniisip niya.

Habang papalapit siya sakin ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko!

Ilang hakbang nalang at magkatapat na kami. Ngingitian ko sana siya at babatiin pero dinaanan niya lang ako.

Bakit ganun?

Bakit parang wala siyang nakita?
Hindi niya man lang ba ako nakita?

O sadyang iniiwasan niya ako?

Hindi. Kailangan ko siyang makausap.

"Hoy!" Sigaw ko sa kaniya pero patuloy pa rin ito sa paglakad palayo sakin.

"Hoy Ocampo, ano ba?!" Inis na sigaw ko. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad kaya nilapitan ko na siya.

Nag eexpect ako na sisigawan niya rin ako pero nagkamali ako.

Blanko lang ang itsura niya nang tiningnan ako.

Bwisit!

"A-Ah..Uhm.. G-gusto sana kitang m-makausap---"

*KRiiiiiiiiiiiNG*

Badtrip.

Bakit ngayon pa?!

Maglalakad na sana siya dahil sa pag ring ng bell pero hinarang ko ang katawan ko dahilan para mapatigil siya.

"M-Mamaya pwede bang---"

"Excuse me, male-late na ako." Sa sinabi niyang iyon, wala na akong nagawa. Naiwan akong tulala sa kawalan.

Bakit?

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now