Chapter 23

440 9 3
                                    

KIESHIA EM LIM's POV

"Anak, nandito na ang sundo mo." Sigaw ni Mama sakin sa labas ng kwarto ko kaya dali dali naman akong nag ayos at lumabas na ng kwarto.

Humalik ako sa pisngi ni Mama bago tuluyang nagpaalam sa kaniya.

"Good morning Bessy!" Masayang bungad sakin ni Nicole. Nasa loob siya ng kotse niya with his driver. Pumasok naman ako at tumabi sa kaniya sa likod. Pagkatapos kasi ng nangyari sakin, lagi na akong sinusundo nitong si Nicole.

Flashback

Nagising ako sa napaka-puting kwarto. Akala ko nga nasa langit na ako, kaso may nakita akong nakalagay na swero sa kaliwang kamay ko.

Nasa hospital ako. Tsk

Sino ang nagdala sakin dito? At saka, anong nangyari?

Muli kong binalikan ang mga nangyari.

Yung anim na babae.

Ginapos ako.

Pinagsasapak.

Binusalan.

Tapos ay dumating si...

"Calyx..." Nagulat ako sa pagbukas ng pinto at siya ang iniluwa. Ngumiti ito ng tipid sakin bago lumapit.

"Buti naman nagising ka na. Are you okay?" Blanko pero nakatingin siya sakin ng diretso ngayon. Hindi man lang siya umupo sa upuan na katabi ng kama ko.

Binuhat ko ang sarili kong katawan para makaupo. "Ikaw ba ang nagdala sakin dito?" Tanong ko.

Hinintay ko na sumagot siya pero hindi niya ginawa.

Tss. Bingi ba 'to o ano? >.<

Hays.
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Salamat---"

"For what?" Hindi pa nga ako tapos magsalita sumingit na agad. Tsk! Pero dahil niligtas niya ako, kailangan kong maging mabait sa kaniya.

"Kasi niligtas mo ako." Yumuko ako. "Siguro kung hindi ka agad dumating baka---"

"Cut that." Napatingin ako sa kaniya. "Don't get me wrong. Tinulungan lang kita because you need help."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero kasi..."

"Enough." Suway niya sakin.

End of Flashback

"Hey Bessy. Natutulala kana naman. Are you alright?" Napatingin ako sa nag aalalang si Nicole. Nakatulala na naman pala ako. Tsk. Hindi ko kasi maiwasang hindi mag isip.

Buti pa siya, hindi niya ako iniiwan. Si Lea kaya kumusta na?

"Nicole, si Lea pala?"

"Ah! Oo. Ano. Kinakamusta ka niya lagi."

"Nagkakausap kayo?"

"Oo naman." Nalungkot ako sa narinig. Naiinggit tuloy ako sa kaniya. Buti pa sila, parang okay lang ni Lea. "Hey, it's okay Kieshia. Hindi siya galit sa'yo, okay? Lagi ka kaya niyang nababanggit kapag tumatawag siya sakin."

"Talaga? Bakit sakin hindi siya tumatawag?"

"Baka kasi busy siya? Basta, trust me. Everything will be okay. So, ngiti ka na okay? Hindi ako sanay na tahimik ka eh."

Actually, hindi lang naman yan ang iniisip ko ngayon. Marami. Maraming gumugulo sa isipan ko.

Bakit naging cold sakin si Calyx? Dati-rati, sinisigawan niya ako pero ngayon hindi na, naging cold naman.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now