Chapter 6

531 15 1
                                    

Nagsasabi ba sila ng totoo? O baka ini-echos lang nila ako.

Para namang ang espesyal ko kung gagawin pa sakin ng school yun.

Kung totoo man, paano na ang pag-aaral ng mga kaibigan ko? Hays.

"Kelan daw ba ako makakalabas dito?" Seryosong tanong ko. Ayoko kasing pati pag-aaral nila maapektuhan dahil lang sa pagbabantay nila sakin dito.

"Ikaw? Kung gusto mo na lumabas ngayon, pwede ka ng lumabas..." Napangiti ako sa sinabi ni Lea.

"Talaga? Sige---"

"Grrr! Gustong gusto na talaga kitang batukan!" Parang nanggigigil na sabi ni Lea.

"Ichecheck muna ang vital signs mo bago ka makalabas dito, pero dahil gising ka na, siguro hindi kana aabutin ng isang linggo dito.." Nicole explained. Napa-ah na lang ako.

Kung isang linggo akong tulog, eh di isang linggo ring walang laman ang tiyan ko. Tsk! Kaya pala nagugutom na ako.

"Pwede ba akong kumain? Nagugutom nako eh..." Sana man lang pwede na.

"Ano bang gusto mo? Marami diyan sa ref, ikukuha kita---" sabi ni Lea sabay tayo at pumunta sa pinakagilid.

Nakita ko naman na binuksan niya ang ref at nakita kong ang daming laman nito. Woah! Lalong ako nagutom sa nakita.

"Lea, ano ka ba? Bawal sa kaniya ang mga yan. Para sa bisita lang yan okay?" Napatingin ako kay Nicole na tumayo na. Nakanguso namang lumapit si Lea dito.

What? Para sa bisita lang? Saklap.

"Ibili nalang natin ng makakain si Kieshia..." Sabi niya pa. Ngayon naman balak nilang iwan ako.

"Iiwan niyo ko dito?"

Tumango si Lea. "Bibili lang kami ng pagkain mo, nagugutom ka diba?" Nakangiting sabi ni Nicole tapos ay nauna na siyang lumabas.

"Don't worry, my mga bodyguards diyan sa labas ng pintuan..." Sabi naman ni Lea.

Napailing ako sa sinabi niya. Bodyguards?

"If ever lang na may multo kang makita dito, sumigaw ka lang ng Darna, okay? Haha. Bye Kieshia..." Sabi niya tapos ay lumabas na siya ng pinto.

May multo dito?

"Waaaaah! Mama kooo!" Takot ako sa multo! Ayoko na dito!

Nagsisigaw ako habang nakatalukbong sa kumot nang marinig kong may bumukas ng pintuan.

Waaaah!

"Miss..."

Waaaaah! Kinakausap nila ako!

"Miss, okay lang po kayo?"

"Tumawag ka ng doctor!"

Sandali...

Dahan-dahan akong sumilip sa kumot ko at nakita ko ang dalawang matatangkad na lalaking nakauniform na parang mga bodyguards na nakatayo sa gilid ng kama ko.

Ilang sandali lang, dumating pa ang isa kasama ang doctor.

"Anong nangyari?" Tila natatarantang tanong ng doctor nang dumating ito.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang apat.

"Narinig naming sumigaw nalang siya kaya mabilis kaming pumasok, pero pagpasok namin nakatalukbong siya ng kumot habang panay pa rin ang sigaw niya kaya tinawag ka na namin..." Paliwanag ng isa sa mga lalaki.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now