Chapter 9

485 17 2
                                    

Nakakainis! Naisahan ako ni Ma'am Taray kanina. Nakakahiya tuloy! Kaya pala may mga number sa projector kasi Algebra ang subject niya. Ngayon ko lang rin naalala yung binigay na activity ni Ma'am nung isang linggo bago niya kami iwan.

Grabe talaga ang naging epekto sakin ng pagkakahospital ko! >_<

"Girl, okay ka lang?" Tanong sakin ni Nicole.

"Hindi. Tsk!"

"Halata naman. Care to share?" si Lea na halatang interesado. Nasa garden kasi kami. Dito na namin naisipang kumain, syempre kasi may plano ako. Hehe

"Kasi naman, napahiya ako kanina!" Paghihimutok ko. Pag naaalala ko talaga ang nangyari kanina, hindi ko maiwasang hindi mahiya! Huhu

"Bakit naman?"

"Eh kasi, pinag-play kami ni Ma'am sa unahan sa kalagitnaan ng lesson niya.."

"Oh anong napahiya dun?"

"Kasi naman, tungkol sa mag asawa ang pinagawa niya samin. Haixt!"

"Oh, tapos?"

"Tapos ano? Malamang ginawa namin. Nakakahiya!"

"Ano naman ang ikakahiya mo dun? Eh ang galing mo kaya umarte, diba nga kasali ka sa theater club ng school mo dati?" Sabi ni Nicole. Tama naman siya. Hilig ko kasi ang umarte, lalo na pag nasa harap ako ng salamin, kung anu-ano ginagawa ko pero iba kasi ngayon. Huhu.

"Sandali, si Ma'am Vedad ba ang subject teacher? Kung oo, eh di magalak ka girl, dahil alam namin na madidiscover niya ang talent mo at we're pretty sure na makakasali ka na naman sa theater club dito." Mahabang paliwanang ni Nicole.

"Ma'am Vedad?" Sino yun?

"Gagi. Siya yung teacher sa acting lesson... Teka, kung hindi si Ma'am Vedad, sinong teacher ang nagsabi sainyong umarte?"

"Si... Si Ma'am Taray." Diretso kong sagot.

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.

"Yung sa Algebra teacher?" Napatango ako tapos ay...

"BWAHAHAHA!" Halos mamatay matay na sila kakatawa lalo na si Lea. Tsk! Pag ako nainis, hindi na kita ilalakad kay Brix. Hays!

"Ang lakas ng trip ni Ma'am Taray ah. Hahaha!" si Nicole.

"Dapat lang na mahiya ka! Bwahaha!"

"Nasan ba kasi ang utak mo kanina ha?" Si Nicole naman.

"Baka naman naiwan sa hospital? HAHAHA!" Tsk! Ge. Pagtawanan niyo ko. -____-




*****





BRIX KIAN's POV

Nakakatuwa talaga si Kieshia. She's like a kid, an innocent kid lalo na kanina. I can't help myself not to smile every time I remember what happened a while ago.

"Dude?! Are you listening?" Inis na tanong sakin ni Grexthel na winawagayway niya pa ang kamay niya sa mukha ko.

"What?" I asked in an annoy tone.

"Tsk! What's with the smile, huh?" Sabi niya pa. Nasa H'canteen pala kami dahil break time namin.

Am I smiling? Wew!

Hindi ko na siya pinansin dahil napatingin ako kay Calyx na blanko lang na nakatingin sa akin. Sa kabilang table siya nakaupo and he is alone. Nakakapanibago dahil wala siyang kasamang babae, and I don't know the reason why.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now