Chapter 30

437 16 8
                                    


Kieshia Em Lim's POV

"Seryoso, girl?"

"Oo nga. Hindi ko nga rin inexpect na makikilala ko ang pang apat sa kanila." Magkakasama na kaming tatlo nina Lea, at sabay kaming naglalakad papunta sa parking lot ng school.

"Bakit daw siya nawala?" Tanong ni Nicole.

"Matatalik na magkakaibigan silang apat mula pagkabata dahil parehong kilala at maimpluwensiya ang kanilang pamilya sa kahit na anong negosyo, biglang nag iba nga lang daw ang sitwasyon nila dahil nalugi at nalubog sa utang ang pamilya nila Axel. Yun din ang dahilan kaya hindi na siya napabilang sa grupo. Pero kahit naghirap at napahiwalay, nanatili pa rin silang magkakaibigan. Simula daw noon ay tumira sila sa Italy. Bumalik sila ng Pilipinas ilang buwan lang ang nakakaraan. Ang guard lamang daw na tagapag bantay sa paaralan ang nakakaalam na nandito siya, kaya malaya siyang nakakapasok sa school." Mahabang paliwanag ko sa dalawa.

"Wow! Kinuwento niya talaga yan sa'yo?"

Tumango ako.

"Eh bakit hindi siya nagpapakita sa mga kaibigan niya?"

"Right." Pag sang ayon naman ni Lea sa follow up question ni Nicole. "Bakit siya nagtatago sa likod ng building four?" Sabi pa nito.

Hays. "Ano ba guys, hindi naman siya nagtatago eh. Paborito niya lang talagang tambayan ang likod ng building 4 dahil doon niya daw nakilala ang babaeng pakakasalan niya."

"Huh?" si Lea.

"Pakakasalan?" si Nicole.

"What do you mean?" Curious na tanong ni Lea.

Ano ba yan, ang daming tanong. Tsk

"Basta, hinihintay niya raw yung babaeng gusto niya."

"So, who's the girl?"

"'Di ko alam. Hindi ko naman natanong yung pangalan."

"Ano ba yan, best! Dapat tinanong mo na." May panghihinayang na sabi ni Nicole.

"Bakit?"

"Gosh! Malamang baka kilala namin yung girl, hello?" Umikot pa ang singkit na mga mata ni Lea habang nagsasalita.

Napaisip ako. Sabagay. Pwede ngang mangyari na kilala nila yung babaeng tinutukoy ni Axel, pero ano naman kung sakaling kilala nga nila. Wala naman akong kinalaman na dun.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now