Chapter 5

555 19 0
                                    

BRIX KIAN CASTILLOS's POV

"Dre, ano yun?" Tanong ni Grexthel kay Calyx dahil bigla nalang itong sumigaw. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanila at sa dalawang babaeng kasama niya.

"Yung New student..." Hindi niya na tinapos pa ang sasabihin pero alam ko na. Alam kong may masama na namang nangyari sa babaeng yun.

Sabay-sabay kaming pumunta sa room nila pero si Calyx ang nauuna.

Bakit kailangang umakto ni Calyx ng ganito? May mali.

"OH MY GOD! SAAN SILA PUPUNTA?"

"I HEARD WHAT HAPPENED."

"TARA GIRLS, SUNOD TAYO!" Kusang nagsisitabihan ang mga students kapag nakitang dumaraan kami.

Pasimple akong tumitingin kay Calyx na ngayon ay seryosong naglalakad.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Hindi naman siya naging ganito dati.

Mabilis kaming nakapunta sa room nila kung saan naabutan naming nakahiga ang babae.

Anong ginawa nila?!

Napatingin sa amin ang lahat maliban kay Brent, Aubrey at sa mga alalay nito.

Nakita kong pilit siyang tumatayo at alam kong hindi niya pansin ang gagawing pagsugod na naman ni Brent kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at...

"ENOUGH!" Bigla akong napatingin sa katabi ko dahil sa sigaw ni Calyx. Nakakuyom ang mga palad niya na animo manununtok na anumang oras.

Biglang tumingin sa direksyon ni Calyx sina Aubrey na halatang nagulat, lalong lalo na si Brent. Ang mvp ng basketball team.

"Si Kieshia..." Mahinang sambit ko nang mapansin kong matutumba siya kaya agad akong lumapit sa kaniya para masalo siya.

"C-Calyx Rio---" Hindi na pinatapos ni Calyx ang sasabihin pa ni Brent dahil bigla niya nalang itong sinuntok at sinikmuran.

"Fuck you asshole! Pati babae pinapatulan mo!" Sigaw pa ni Calyx.

Tila nagulat at natakot ang lahat sa ginawang pagsuntok ni Calyx dahil hindi man lang lumalaban si Brent. Si Grexthel naman ang naging taga awat ni Calyx.

"Kieshia?" Sinubukan ko siyang gisingin pero napansin ko na may mainit na likido akong nahawakan sa may ulo niya.

Shit! Dugo.

"Fuck! Call the ambulance, now!" Sigaw ni Calyx nang mapatingin siya sa direksiyon namin ni Kieshia.





*****



KIESHIA EM LIM's POV

Nasan ako? Bakit parang ang dilim naman yata.

"Sana makulong si Brent!"

"Nakakaasar siya! Isumbong ko siya kay Daddy para masintensiyahan siya ng kamatayan eh!"

Sino yung mga boses na yun? Lea? Nicole? Kayo ba yan? Bakit hindi ko kayo makita?

Owemji! Nabulag na ba ako?

"Waaaah!" Agad akong sumigaw dahil sa takot.

"My ghad! Gising na siya!" Si Nicole yun ah.

"Kieshia?" Si Lea naman to.

Nasaan ako? Huhu.

"Kieshia? Okay ka lang ba?" Waaah! Kinakausap nila ako!

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now