Chapter 20

398 14 9
                                    

"Bullshit! Are you listening to me?" Sigaw niya pa. Alam kong naiinis na naman siya at yun ang hindi ko maintindihan.

Ano bang problema ng taong 'to at parang lagi nalang kumukulo ang dugo 'pag lumalapit sakin? Letse! Kung makaasta siya parang siya ang boss ah! Samantalang, siya nga 'tong may nagawang kasalanan sakin!

"Damn it!" Kasabay ng sigaw niya ay napansin kong may tinapon siyang pupos ng sigarilyo pagkatapos ay hinigit niya ang braso ko dahilan para magulat ako sa ginawa niya.

"A-ray! Ano ba?!" Inis na reklamo ko. "Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko pero para bang wala siyang naririnig.

"We'll talk!" Sabay hila niya sakin pero syempre hindi ako sasama kaya pwersahan kong hinila ang braso ko sa pagkakahawak niya. Pakiramdam ko nga magkakapasa ako sa ginagawa niya!

"Pwede mo naman akong kausapin ng maayos ah, hindi yung ganiyan ka umasta!" Sigaw ko mismo sa mukha niya. Wala na akong pakialam kung may mga nanonood man samin dahil hindi tama na ganituhin niya nalang ako lagi!

"Who gave you the fucking permission to make decision on your own?!" Alam kong nagpupuyos na naman siya sa galit.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Hindi kita maintindihan." Kahit galit ako dahil sa bigla niyang pagsulpot, sinubukan ko pa rin maging kalmado.

"Tsk! Why Brix?" Diretsong tanong niya, nakakatitig ito sa mga mata ko na tila binabasa kung anong iniisip ko.

"At bakit naman nasali si Brix dito?" Salubong ang mga kilay na tanong ko.

"Change your partner." Kalmadong sagot niya. Ha. Ano ako baliw? Dahil lang sa gusto niya gagawin ko na? Sinuswerte siya!

"Hindi. At kahit pilitin mo pa ako ay hindi na magbabago ang desisyon ko!"

Mula sa kalmadong itsura niya kanina, napalitan ito ng ngumisi siya. Letse! I hate him every time he do that.

"I won't take no as an answer." Kampanteng sabi niya. Magsasalita na sana ako pero nagsalita siya ulit. "Change Brix as your partner or else the whole campus will know that I'm your boyfriend and you're mine." Pagkasabi niya nun ay tinalikuran niya na ako.



Letse! Bakit kailangang mamroblema ako sa pagpili.

First, 'pag siya ang pinili ko, araw-araw ko siyang makakasama sa pagpractice. Katabi ko na nga siya sa lahat ng subjects namin, pati ba naman sa Intrams siya pa? Bwisit talaga. Hindi naman kami close para matuwa ako sa kaniya! Plus the fact na mabully ako ng mga gangster na fans niya ata. Tsk! Pero on the other hand, baka hindi na magalit sakin si Lea pag si Ocampo ang partner ko, kung talagang si Brix nga ang dahilan kung bakit ganun ang inasal niya kanina. Hays!

Second, 'pag hindi siya ang pinili ko, kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. No, ang katawan ko pa pala, dahil siguradong hindi ako titigilan ng mga fans niya, magiging impyerno na yata ang buong school year ko sa school. >_<

Third, wala bang pangatlong choices??? Kahit na anong piliin ko sa dalawa, pag iinitan ako ng mga fans niya. Argh!

Bwisit kasing Ocampo yan!

Binigyan niya nga ako ng choices, pareho namang pabor sa kaniya!















CALYX RIO OCAMPO's POV

"Change Brix as your partner or else the whole campus will know that I'm your boyfriend and you're mine." Right after I said those words ay tumalikod na ako at iniwan ko siya.

I don't care kung anong isipin niya.

Sumakay na ako sa kotse ko at umuwi na.

"Hey son, where's Kieshia?" Tanong ng Dad ko nang makauwi ako. He knows Kieshia and her family very well.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now