Chapter 7

601 15 0
                                    

"Uy Lea, maghunos dili ka! Pag bumalik yun si Brix bahala ka..." Pananakot ko. Napatigil naman siya sa kakasigaw pero nagdidiliryo pa rin sa sobrang kakiligan.

Hays.

"Now you know.." Sabi sakin ni Nicole habang ngingiti-ngiti.

"Now I know what?"

"Remember yung kinuwento ko sa'yo before?"

Sa dami ba naman ng kinukwento niya, malalaman ko pa ba kung ano yun? Tsk!--- Pero teka, parang...

Flashback

"Uy girl, come here! I have something to tell you.." Tila kinikilig na sabi ni Nicole nang makita ako sa labas ng bahay namin. She is wearing her school iniform. Halatang galing palang siya sa school nila. Yeah. Hindi pa kami schoolmate.

Lumapit ako sa kaniya bago nagtanong. "Nasan si Lea? Hindi yata kayo magkasamang dumaan dito ngayon?" Almost everyday kasi after they're classes dumadaan muna sila dito para makipag-chikahan bago sila umuwi.

"Yun na nga, ayun nagpaiwan ang bruha. Susuportahan niya raw ang ultimate crush niya.. Hays!" Kawawa naman pala ang kaibigan kong ito pag nasa paligid yung crush ni Lea, naiitsapwera.

"Kung nakita mo lang kanina, haynako! Dumaan lang nga sa harap niya halos himatayin na. Pano na lang kaya kapag nakipagkamay ito sa kaniya? Hindi na ako magtataka kung bigla nalang siyang mag collapse sa sobrang kilig. Haha."

"Ganun ba dapat kapag kinikilig?"

"Hindi. Meron din naman kasing taong kinikilig pero hindi lang halata na kinikilig na pala..."

"Baka ikaw yung taong yun?" Wala sa sariling tanong ko kaya mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya tinapik ako sa braso ko.

"H-Hindi ah." Sabi niya lang. Ang obvious talaga ng isang to. Hehe.

End of Flashback

"So, si Brix pala ang lalaking tinutukoy mo dati pa?" Gulat na tanong ko kay Nicole.

Bakit kasi hindi ko man lang tinatanong ang pangalan ng crush ni Lea, huli na tuloy ako sa balita.

"Yes." Nicole said while smiling.

"Hoy, anong pinag uusapan niyong dalawa ah?" Singit ni Lea. Nakabalik na siguro sa realidad to. Haha.

"Grabe ka naman pala kiligin Lea."

"Ano naman? Atleast ako nagpapakatotoo, hindi tulad ng iba diyan..."

Napansin kong pinandilatan naman ng mata ni Nicole si Lea.

Haha. Ang cute nila.

Ano kayang magiging reaction ni Brix kapag nalaman niyang gusto siya ng kaibigan ko? Omg!

Pano kaya kung, ilakad ko si Lea kay Brix? Tama ba? O si Brix ang ilakad ko kay Lea?

Ang cute kaya ni Lea, chinita na curly ang hair, bagay lang sila ni Brix dahil singkit din si Brix.

Tama. Tama. Ang galing ko talaga mag isip! Haha.

"Hala. Nababaliw na ang kaibigan natin.." Tumingin silang dalawa bigla sakin.

"Bakit?" Takang tanong ko naman.

"Kumain kana nga lang. Marami kaming binili diyan na paborito mo." Sabi ni Nicole habang inaabot sakin ang mga pinamili.

"Anong konek?" Naguguluhan kong tanong habang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"Hays. Pangiti-ngiti ka kasi diyan habang nakatulala. Daig mo pa ang baliw." Hirit ni Lea.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now