Ikalawang Kabanata

698 35 1
                                    

Ikalawang Kabanata
Chanella's POV

"Huh? Nagkakilala kayo dahil sa inunahan nya kayong bumili ng puto flan?" tanong ng isa kong estudyante.

-,- tinignan ko sya nang ganyan, saka nagsi-lingunan ang mga kaklase nya sakanya para bigyan ng sign para tumahimik.

"Ayy, hehe. Sige, ma'am. Continue po, hehe."

...

"Ate, puto flan nga po."

Per box kasi ang itinitinda dito, at isang box sana ang bibilhin ni Ella para may makain pa sya mamaya.

Kaso nga lang, may sumingit...

"Isang box nalang po ang available." sabi ng nagtitinda.

"Ate, ako ang nauna." sabi ko naman kaagad.

Magpapatalo ba ako? No way, kahit gwapo 'tong sumingit.

"No, ako ang nauna."

Tinignan ko ng masama 'yong lalaking nakipag-unahan sa akin.

"Ate, kitang-kita nyo naman kung sino ang nauna. At ako 'yon. I came here first, so sa akin ang puto flan." paglaban ko.

"That's not fair!"

"Anong that's not fair?! Wag mo nga akong i-english dyan. Patas 'to, noh. Ako ang nauna. Period."

Nagpakawala nalang ng malalim na hininga ang lalaki.

"Fine, sa'yo na."

"Papayag ka rin pala. Bakit ka nga ba kasi nakikipag-unahan? Eh, puto flan ito. Marami pang ganito sa ibang bilihan. At mukhang mayaman ka naman, kaya mong humanap neto kahit saan."

"Kailangan ko lang kasi. May sakit ang lola ko, and this is her favorite. Oo marami nga, pero lahat ng bilihan ay napuntahan ko na. But still, wala akong puto flan na makita. She needs this, paborito nya ito at gusto ko lang na matuwa sya. Para mabilis din na maka-recover sa sakit nya." malungkot na sabi ng lalaki.

Mukhang mahal nito ang lola nya.

Biglang naawa si Ella, sa hindi malaman na dahilan ay medyo humanga sya sa lalaki. Makikita mo kasi sa mga mata ng lalaki na mahal na mahal nito ang lola nya.

Gusto lang nya ng putoflan, pero 'yong lalaki.. Kailangan nya iyon. Kaya napag-desisyunan nalang ni Ella na ipaubaya nalang 'yon sa lalaki.

"Sige na nga, sa'yo na."

Napangiti sa kanya ang lalaki.

Hindi nyo masisisi si Ella. Para sa kapakanan ng taong nasa paligid nya, basta mabigyan nya ang iba ay mabuti nalang na mawalan sya.

"Salamat."

"Walang anuman, pakisabi nalang sa lola mo na magpagaling, ha?"

"Makakarating.."

"Sige, mauna na ako." pagpapaalam ni Ella.

"Pero paano 'yan? 11:11 na, oh. Paano ka kakain?"

"Bibili nalang ako ng iba doon sa canteen namin. Una na ako."

"Teka lang. What's your name?"

"Chanella. Chanella Cordero, ikaw?"

"I'm Terrence."

"Nice to meet you, Terrence."

"Nice to meet you, too."

"Sige, ah? Mauna na ako."

"Take care!" pagpapaalam sakanya ng lalaki sabay kaway.

Pagkalabas nya ng cafeteria ay hindi nya mapigilan ang kakaibang tibok ng puso nya. Sa tuwing maaalala nya ang lalaki ay kakaiba ang nagiging dulot non sakanya.

"Grabe! Ang gwapo. Haha." sambit nya sa sarili.

Hindi sya makapaniwala sa lalaking nakaharap nya, tila isa itong modelo na napadpad sa lugar nila.

Terrence.

"Sya si Terrence."

11:11 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon