Ika-walong Kabanata

454 33 0
                                    

Ika-walong Kabanata
Chanella's POV

"KYAAAAH!!"

"OMG!!"

"OMO!!"

"HALAAAAA!!"

-,- sakit sa tenga!

"Quiet! Baka marinig tayo sa office." pagbawal ko sakanila.

"Eh, keshe nemen!!"

"Kinikilig akes!!"

-,-

"Itutuloy ko nalang, bahala kayo dyan." sabi ko.

...

Napatahimik nalang ako sa sinabi nya.

"Hindi ka rin nakasisiguro dyan." sabi ko nang matauhan na ako.

"Bakit nanaman??"

"Hindi mo pa ako kilala."

"I don't care. I don't care kung sino ka o ano ka. Kung talagang determinado na ako, hindi mo ako mapipigilan." sabi nya.

Gosh. I can't believe him.

"Payagan mo na, Ella." bigla kong narinig 'yong boses ni Nanay sa tenga ko.

Hala? Hindi ako easy-to-get.

"Hindi ako easy-to-get."

"Liligawan palang kita, 'wag OA." sabi nya.

Oo nga naman.

Psh.

Namumula na ako sa kahihiyan, kainis.

Tumakbo ako, gusto ko nang magpalamon sa lupa. Grabe.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa rooftop ng elementary building.

Napaka-peaceful kasi dito para sakin, kasi bawal ang mga bata dito kaya... Para sa akin. Haha.

Pero sa hindi inaasahan, nakaramdam ako ng presensya ng isang tao. Wag mong sabihing—

"Wag mo akong takbuhan."

Biglang tumibok ang puso ko sa di malamang dahilan.

"I will court you. And that's final." dagdag pa nya.

Okay. Tingin ko, wala na akong takas.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka!" sabi ko naman.

There he have it. Niyakap nya ako.

Months have passed, sinagot ko na sya.. And after a year, nagpakasal kami.. At nagkaroon kami ng masayang pamilya..

Maayos na sana ang lahat, masaya na sana ang lahat.. Nang magising ako sa katotohanan.

NANANAGINIP lang pala ako.

...

"Hala!!!"

"Ano ba yan, ma'am?!"

"Punyemas, ma'am! Seryoso ka dyan?? Walangya naman, oh!"

"Bwisit!"

Kanya-kanya sila ng reaksyon. Ang OA naman.

"Guys, totoo 'yong kwento ko. Totoong nanaginip talaga ako ng ganon." paliwanag ko naman.

Agad silang natahimik at nalipat 'yong mga tingin nila sa akin.

"So... Anong nangyari after non?"

"Ayon nga..."

...

Tumingin ako sa orasan at saktong alas-diyes ako nagising. Linggo ngayon, wala akong trabaho.

"Panaginip lang pala."

Na-disappoint ako, bakit ganon? Ayon na, eh! Nandon na, eh! Tapos panaginip lang pala?? Wengya.

Biglang nagtext ang principal nila. Totoong Nanay na ang turing nya kay Ms. Natividad.

"10:30." sabi ko. Saktong-sakto. Ganyan na ganyan ang oras na tinext ako sa panaginip ko.

"Okay, Ella. Wag kang umasa! Kabaligtaran ng panaginip ang nangyayari sa totoong buhay. Sabi nga ni owwSIC sa Love an Anthology, hindi masamang mag-expect pero masakit ang umasa." pag-convince ko sa sarili ko.

Naninikip dibdib ko, kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Umaasa ako.

"11:00." nang matapos akong mag-ayos.

Sakto nanaman, umalis ako sa bahay at dumiretso sa school.

"11:11." nang makarating at makapasok ako sa principal's office..

Doon ay may lalaki.. Kamukhang-kamukha ng nasa panaginip ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya 'yon! Sya 'yong lalaki sa panaginip ko!

Kinakabahan ako, pakiramdam ko ang init kahit na malapit naman nang mag-pasko.

Umaasa nanaman ako, umaasa akong magkakatotoo ang laman ng panaginip ko.

11:11 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon