Ika-limang Kabanata

477 29 1
                                    

Ika-limang Kabanata
Chanella's POV

"Friends?" gulat na tanong nung isa kong estudyante.

"Kunwari friends, ta's magiging lovers din naman." sabi naman nung pinaka-pasaway sakanila.

"Dyan kasi nagsisimula ang lahat, sa friends! Tapos kapag umamin si friend, minsan magiging mag-jowa tapos minsan sasabihin na hanggang friend lang sila. Haynako! Friend friend pang nalalaman. Boypren na agad!" sabi naman nung hugotera na parang ampalaya din dahil may pagka-bitter.

-,-

"Ma'am, hayaan nyo na nga yang mga yan! Paepal, eh!" sabi nung President nila.

"Wow, Ms. President! Kailan ka pa naging interesado sa mga story?"

"Shut up! Ma'am, continue..."

-,- mga batang 'to talaga.

...

Patuloy ko syang inililibot dito sa school, hanggang sa mag-aya syang kumain sa isang restaurant.

"Nako, busog pa ako." sabi ko naman.

Busog pa talaga ako, syempre 10 na akong kumain.

"Hindi pwedeng hindi ka kakain, baka magkasakit ka."

Concern na concern naman yata 'to. But I find him caring..

"Busog pa talaga ako, promise!" sabi ko sabay taas ng kanang kamay.

"Kahit na, kailangan mo paring kumain sa tamang oras."

Sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok.

Nakita ko nalang ang sarili kong, nakatingin sa kamay naming pareho. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

Ano bang meron ang lalaking 'to? Ba't ganito?

"Anong gusto mo?" tanong nya habang hawak parin ang kamay ko.

"K-Kahit ano." sabi ko nalang. Naiilang ako sakanya, ewan ko ba!

"Ayy, sorry." sabi nya sabay bitaw sa kamay ko.

Nakaginhawa naman ako, pero peste! Parang may bumubulong sa akin ng 'sayang'. Ano ba yan!

"Sige, hanap nalang ako ng upuan." sabi ko saka naghanap ng upuan.

May nahanap akong pandalawahan lang, naupo ako. Habang hinihintay ko sya, may batang lumapit sa akin.

"Miss? Can you open this for me?" sabi ng bata.

Ang cute nya!! Ang sarap iuwi!!

"Sure, but where is your mom?"

"She's in comfort room, I just can't wait her because I'm so starve na." sabi nya saka nag-pout.

Aww, so cute! Kidnap-in ko na kaya? Hahaha just kidding..

"Okay, give me that." saka ko binuksan 'yon. "Here." saka ko inabot sakanya.

"Thank you so much, miss."

"You can call me Ate Ella. By the way, what's your name?" tanong ko sakanya.

"Angel! Nice to meet you Ate Ella!" sabay halik nya sa pisngi ko.

"Nice to meet you too, Angel."

"You're so pretty, Ate Ella."

"Thank you! You're pretty too." sabi ko sabay pisil sa pisngi nya.

"Thank you, Ate Ella!"

"Angel!" may tumawag sakanya, eto siguro yung mommy nya.

"Mommy!"

"Did you forgot what I've told you? Don't talk to strangers!" sabi pa ng mommy nya.

"You've said it many times, mom. How could I forget about that?" sabi naman ni Angel.

"Ah, sorry. May ipinabukas lang kasi si Angel kaya sya lumapit sa akin." sabat ko.

"Yeah, she's right, mom. And she's so kind, she helped me to open my food. I feel like there's an anaconda in my tummy, I'm starving already! That's why I asked for help. Please, understand." sabay puppy eye nya.

Ang cute nya talaga, nakakainis! Sarap iuwi.

"Okay, fine. Thank you, miss."

"Your welcome."

"Let's go." sabi ng mommy nya.

"Wait, mom." sabi ni Angel sabay lapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. "Good bye, Ate Ella! It's nice to meet you! See you around." sabay wave nya, I waved backed bago sya umalis.

She's so cute. Ang swerte ng nanay nya, she's a lovable daughter. I also want to have a daughter like her. Hindi naman sa pagmamadali, pero iba na kasi kapag nagkaka-edad na. Ready na akong magkapamilya, yung magiging asawa ko nalang ang hindi pa ready. Asan na kaya sya?

"Let's eat." sabi ni Terrence sabay lapag ng pagkain sa table namin.

Napatitig ako sakanya, what if sya na ang taong para sa akin? What if... Sa sobrang paghihintay ko, sya na ang ibigay sa akin? What if maging kami?

Puro nalang what if. Tch. -,-

11:11 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon