Unang Kabanata

1.3K 42 0
                                    

Unang Kabanata
Chanella's POV

"Ma'am, paano po kayo nagkakilala ng asawa nyo?" tanong ng isa kong estudyante. Grade 8 student.

"Bakit mo natanong?"

"Para malaman po. Kasi parang mahal na mahal nyo ang isa't-isa, eh."

"Oo nga, ma'am. Ang sweet sweet nyo."

Saka nagsi-'ayiee' ang mga estudyante nya.

"Nako, mga bata kayo."

"Sige na, ma'am. Wala naman tayong gagawin, 'di po ba?"

Saka nagsi-second emotion ang mga estudyante nya. Pinipilit syang magkwento.

"Osya, sige.. Pero ako muna ang dapat mag-kwento, ha? Walang sisingit na magtatanong."

"Sige, ma'am!"

Mga batang 'to talaga. Ang sigla kapag lovelife ang pag-uusapan.

"Dito nagsimula ang kwento namin..."

.....

AKO si Chanella. Chanella Cordero, isa akong teacher sa isang pampribadong paaralan.

"Goodbye, kids! See you tomorrow!" pagpapaalam ko sa mga estudyante ko.

"Goodbye, Ma'am!" saka sila nagsitakbuhan palabas.

Napangiti nalang ako, napakagaan talaga ng loob ko sa mga bata. At natutuwa ako sa tuwing nakakakita ako ng bata.

24 years old na ako, pero never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Siguro ay dahil masyado akong nagpaka-busy sa pag-aaral at sa dinami-dami ng mga lalaki dito sa lugar namin ay wala akong nagustuhan ni isa.

"Kailan ko kaya mahahanap ang taong para sa akin? Kailan kaya ako magkaka-pamilya?"

Hindi naman sa pagmamadali, syempre kailangan kong mahanap yung lalaki na kaya kaming alagaan ng magiging pamilya ko. Pero hindi mo talaga maiiwasan makapag-isip ng ganoon, dahil sa edad kong 'to? Natural lang para akin ang gusto nang magka-pamilya.

"Ms. Cordero." tawag sa akin ni Ma'am Principal.

"Po?"

"Sumunod ka sa akin." saka sya na-una sa paglakad.

Patungo kami ngayon sa office nya.

Bakit kaya?

"Maupo ka, Ella." saka ako naupo.

Ella ang palayaw ko. At doon nila ako madalas tawagin.

"Gusto ko lang sanang i-invite ka."

Ayon lang pala, kinabahan naman ako. Pero saan ako ii-invite?

"S-Saan po, ma'am?"

"Birthday ko."

"Ah, haha. Sige po ba, matatanggihan ba naman po kita?"

"Para narin kitang apo, Ella. Sinabi ko na 'yan sa'yo, 'diba? Kaya kapag tayong dalawa lang, Nanay nalang itawag mo sa akin."

"Pasensya na, Nay. Kinabahan po kasi ako kanina, baka kasi may nagawa po akong kakaiba hahaha."

"Haha, ayos lang."

"Ano pong gusto nyong regalo?"

"Kahit.. Kahit ano, or kahit yung paborito ko nalang na native delicacies."

"Ah, sige po. Asahan mo yan, Nay."

"Osya sige, baka may gagawin ka pa. May meeting lang akong aattend-an, ha? Bye." sabay halik nya sa pisngi ko.

Sya nalang ang tumatayo kong lola, at magulang. Last year kasi namatay si Lola, at sina Mama at Papa naman ay may kanya-kanya nang pamilya.

Nagpunta pa muna ako sa opisina namin bago tuluyang umuwi.

Kinabukasan ay nagtext si Nanay na hindi sya makakapasok.

"Ano kayang nangyari sa kanya?"

BREAK time nila Ella at nagpag-isip isip nyang magpunta muna sa cafeteria para kumain dahil naghahanap na ng pagkain ang tyan nya.

Nakapila na sya nang may sumingit at nakipag-unahan sa kanya.

"Ate, puto flan nga po."

11:11 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon