Ikatlong Kabanata
Chanella's POV"Terrence? Terrence po pangalan ng asawa ninyo?"
-,- heto nanaman ang mga estudyanteng atat. Hindi makapaghintay na maikwento ko ng buo.
"Wag nalang kaya akong magkwento?"
"Joke lang, ma'am. Hehe. Tuloy nyo po."
-,- mga abnormal na bata.
...
Sabado ngayon, wala akong gagawin kaya't anong oras na akong nagising.
"10:00 AM."
Saktong-sakto ang oras ng pag-gising ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nagpalipas nanaman ako ng gutom, baka bumalik nanaman ang sakit ko. Kaya kumain na ako kaagad.
Matapos kong magluto ay kumain na ako, at pagkatapos non ay bigla akong may natanggap na text mula kay Nanay.
At nagulat din ako dahil saktong-sakto na 10:30 ako nakatanggap ng text. Pinapapunta ako sa school dahil may kailangan daw syang sabihin.
Ano nanaman kaya? Kinakabahan ako pero, hindi din dapat ako kabahan kasi kahapon... Kinabahan ako pero in-invite lang pala ako. So, wala akong dapat ipag-alala.
Nag-ayos nalang ako ng sarili ko, at natapos ako ng sakto nanaman na 11:00. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.
Lumabas ako at umalis para dumiretso na sa school, nilalakad ko lang 'yon dahil malapit lang naman ang boarding house ko doon.
At nakarating ako sa school ng 11:11. Pagkapasok ko sa office ni Nanay ay may nakita akong lalaking nakaupo sa upuan sa harapan ng lamesa ni Nanay.
Bumibilis lalo ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. May sakit ba ako?
"Ella!" masayang tawag sa akin ni Nanay.
"May problema po ba? Bakit bigla po yata nyo akong pinatawag, Nay?" tanong ko naman.
Saka biglang humarap yung lalaki sa akin sabay tayo.
"Hi, Chanella. Nice to see you again." nakangiting bati sakanya ng lalaki.
Nagulat sya..
Teka? Eto 'yong lalaki kahapon, ah?
"Ah.. T-Terrence, 'diba?"
"Oo, buti naman at naaalala mo pa ang pangalan ko."
"Syempre naman, kahapon lang kaya tayo nagkakilala."
"Teka, Ella, T. Baka nakaka-istorbo na ako, ha?" biglang singit ng nakangiting si Nanay.
"Ayy, haha. Hindi po, Nay." sabi ko.
"Nay?" tanong ni Terrence, siguro nagtataka 'to kung bakit Nay ang tawag ko kay Ma'am Natividad.
"Ah, T. Parang apo ko na kasi si Ella. Anyway, Ella. Kilala mo naman na sya, apo ko si Terrence." sabi ni Nanay.
Nagulantang si Ella sa sinabi ni Ma'am Natividad.
Apo nya si Terrence?? Ibig sabihin...
"Nay? Ikaw yung may sakit?" tanong ko naman.
"Oo, kaya hindi ako nakapasok kahapon."
"Ba't hindi nyo naman po sinabi sa akin?"
"Ayokong mag-alala ka pa. Pinatawag kita dito kasi gusto kong magpasalamat. Tunay na mabuti kang babae, ikinwento sa akin ni Terrence ang nangyari kahapon."
Pakiramdam ni Ella ay namula sya dahil sa sinabi ni Ma'am Natividad.
"W-Walang anuman po."
"Hihingi sana ako ng tulong.." sabi ni Nanay.
"Anything, Nay."
"Pwede mo bang ilibot si Terrence dito sa school natin?"
"S-Sige po. Terrence, halika."
"Bye, Lola. Una na kami." sabay halik ni Terrence kay Nanay sa pisngi.
"Sige, apo. Ingat at sana ay mag-enjoy ka." sabi naman ni Nanay.
Nauna na sa paglalakad si Chanella, at sinusundan sya ni Terrence.
Tahimik ang paligid, nang magsalita si Terrence.
"Chanella, what a nice name."