Ika-anim na Kabanata
Chanella's POV"Puro nalang what if." sabi nung nasa harapan ko.
"Yanga, qiqil ako sa what if na yan, eh. Usong-uso sa FB yan. Di na nagsawa sa kaka-what if, jusq."
-,- mga comment nila. Parang di na mga bata, eh.
"Oo nga! Nakikita ko din 'yon! Panay what if! What if magkabalikan kayo? What if may gusto sya sayo? What if mahal ka pa nya? Diba? Kaqiqil, eh." sabi nung Vice President nila.
"Osya, osya! Shut up na! Nagkukwento pa si Ma'am, eh! Singit kayo dyan nang singit!" sabi ng secretary nila.
"Agree, tuloy nyo na, ma'am. Hayaan nyo sila." sabi naman ni Ms. President.
Ewan ko sainyo.
-,- mga abnormal 'tong estudyante ko. Pasensya na.
...
"Nakita kita kanina habang nasa pila ako, may batang lumapit sa'yo." biglang sabi nya.
"Ah, oo. Angel ang pangalan nya. She looks like her name, she's like an angel. Ang cute cute nya." sabi ko naman.
"Bakit sya lumapit sa'yo?"
"She asked for help, nasa comfort room kasi ang mommy nya kanina. Nagugutom na daw, eh. Hindi nya alam buksan yung kakainin nya."
"Malapit talaga loob mo sa mga bata, noh?"
"Oo, eh. Pinapalambot kasi nila 'yong puso ko. At sa totoo lang, gusto ko nang magkaanak. Naiinggit ako sa ibang mga babae dyan na may karga-kargang anak." biglang pag-kwento ko.
"Gusto mong magkaanak? Pero ayaw mo mag-asawa?" nagtatakang tanong nya.
"Wala akong sinabing ganyan, ah. Hahaha actually, ready na akong magkapamilya.. Yung asawa ko nalang ang hindi pa ready."
"Asawa?? May asawa ka na??" gulat nyang tanong.
Na-misinterpret nya siguro.
"Asawa ko nalang ang hindi pa ready, ibig sabihin.. Wala pang nagtatangkang maging asawa ako. Hindi pa sya ready, hindi pa sya naibibigay sa akin. Hahaha."
"Baka naman andyan na palagi sa paligid mo 'yong mapapangasawa mo? Pwedeng 'yong nakapila. Pwedeng 'yong kumakain dyan. Pwedeng 'yong cashier. Pwedeng 'yong manager ng resto. Pwedeng kaharap mo. Pwedeng... ako." sabi nya.
Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi nya.
*Dugdug dugdug*
Jusko. Abnormal nanaman ang tibok ng puso ko.
"A-Ano ka ba! Ang corny mo." sabi ko saka ko itinuloy 'yong pagkain ko.
"Joke lang." sabi nya habang tumatawa.
Tinignan nya ako habang nakangiti.
"Ang cute mo." sabi nya sa akin.
Pakiramdam ko ay namula ako. Kainis 'tong lalaking 'to! Di naman kami close. Bakit pinakikilig ako??
"Ewan ko sa'yo."
Tinawanan lang nya ako.
"Mas cute ka kapag naiinis." dagdag pa nya.
"Hindi ako cute." sabi ko naman.
"Edi, maganda!" sabi nya.
"Hindi ako maganda."
"Edi... Dyosa." sabi nya sabay ngiti nanaman.
Ano ba namang ngiti yan! Nakakainis!
"Hindi din ako dyosa." sabi ko. Kailangan kong labanan 'yong kilig na nararamdaman ko.
"Edi.. Reyna ko." sabi nya.
"Yuck! Pang-jejemon naman yan. Tigilan mo nga ka-cornyhan mo, Terrence." sabi ko habang tumatawa.
"Aruyy~ ka-cornyhan daw pero kinikilig."
"Ewan ko sa'yo! Bahala ka dyan." saktong natapos akong kumain, tumayo ako at iniwan ko sya don.
Pero namalayan ko nalang na nakasunod pala sya sa akin at hanggang sa makapasok ulit kami ng school.
"Anong gusto mo sa lalaki?" tanong nya sa kawalan.
"Caring, mabait, responsable sa lahat ng bagay."
"'Yon lang?"
"Anong 'yon lang? Malaking bagay na yan. Yan lang ang hanap ko, hindi ko kailangan ng gwapo na manloloko."
"Grabe ka naman, hindi naman lahat ng gwapo manloloko, eh. Tignan mo, ako gwapo. Pero never pang nagloko." sabi nya sabay kindat
*Dugdug dugdug*
Pesteng hearteu. Tumigil ka na nga kakatibok! Nakakainis na, ah!
"Hindi pa naman kita kilala. Diko masasabing hindi ka manloloko."
"Hindi pa ako nagkaka-girlfriend."
O_O srsly??