Ika-pitong Kabanata

454 34 0
                                    

Ika-pitong Kabanata
Chanella's POV

"Maniwala namang walang naging girlfriend 'yon, Ma'am. 26 years syang namumuhay pero wala pang naging girlfriend? Lokohin nya lelang nya!" sabi nanaman nung hugotera nilang bitter.

"Oo nga!"

"Wala nang ganon!"

"Ni isang girlfriend, wala?? Woooh. Kalokohan."

"Kaya naman pala never pang nagloko, eh. Dahil wala pang naging girlfriend! Hahahaha."

-,-

Ayan nanaman sila.

"SHUT UP!!! Hindi matatapos ang kwento hangga't sumisingit kayo! Jusq, ako 'yong nabibitin, eh!" eka ni Ms. President.

"Wiee! Go Ms. Pres! Push mo yan." sabi ni secretary.

"Tuloy na, ma'am. Psh."

...

"Seryoso ka??" tanong ko naman.

"Syempre, joke lang. Nagkaroon ako ng isang girlfriend. Nagtagal kami for only 5 months. Our relationship didn't work. Hindi ako nagloko, never. Sya lang ang nagloko. Binalikan nya ang ex nya. That's why I'm afraid to have a relationship with someone again, nakakatakot din kasing masaktan minsan. Sabagay kasi, ikaw walang karanasan pagdating sa pag-ibig kaya hindi ka makaka-relate sa mga sinasabi ko." sabi nya na may halong pang-aasar.

"Woi. Grabe ka naman! Okay ako sa pagiging single ko, noh! Coz I found out na relationships are distraction. Kung nag-boyfriend ako ng maaga, baka hindi ko naabot 'yong pangarap ko. Baka wala ako dito." pagmamalaki ko.

Tama naman kasi, mabuti nang wala kang karanasan sa pag-ibig kaysa naman sa hindi mo naabot 'yong pangarap mo. Dream big, aim for the sky, make it happen -CongTV! Hahahaha. Lol.

Ah, basta! Naiinis ako sa kasama kong gwapo.

"Hindi naman kasi lahat ng lalaking papatulan mo, pwedeng maging distraction. Nasa sainyo na 'yon kung paano nyo i-handle ang relasyon na meron kayo. Wala sa relasyon yan, nasa tao yan." dagdag pa nya.

"Hindi mo rin yan masasabi."

"Sorry ka, nasabi ko na." sabi nya pa.

Psh. Pilosopo.

"Ewan ko sa'yo."

Saglit na natahimik.

Syempre, pa-epal ako haha itatanong ko kung anong gusto nya sa babae.

"Anong gusto mo sa isang babae?"

"Hmm.. Gusto ko ay 'yong maalaga, mabait, mapagkumbaba, magaling makisama, masiyahin.. Basta lahat ng magandang katangian ng isang babae. Hindi ako tumitingin sa panlabas, mas gusto ko 'yong maganda ang katangian. Kaso, wala talaga akong mahanap na ganyan."

"Ah. Alam mo kung bakit wala kang mahanap? Kasi yang mga katangiang sinabi mo ay... Na sa akin! Hahahaha, biro lang." tumawa ako kaya nakitawa din sya.

Itinuro ko sakanya kung saan pa dito 'yong ibang lugar na katulad ng stockroom, AVR, Library, Guidance office, at kung ano-ano pa.

"Hindi mo ba naisip?" biglang tanong nya.

"Ang alin?"

"Na kung bakit tayo nagkita ng biglaan kahapon? At.. Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa na kilala ng lola ko ang nakilala ko. At isa ka pang teacher." tanong nya.

"Baka nagkataon lang."

"Hindi mo ba naisip na... baka tadhana ang naglapit sa atin?"

Tadhana? Matatawag mo nga ba 'yong tadhana?

"Hindi rin. Kasi may mga bagay talaga na nagkataon lang, hindi ibig sabihin na nagkita tayo at magkakilala kami ng lola mo ay tadhana kaagad. Dumarating lang talaga sa buhay natin ang isang pagkakataon kung saan nagkakatagpo ang dalawang tao. Hindi mo 'yon masasabing tadhana, isa iyong tinatawag na nagkataon o sabi nga nila sa english ay 'coincidence'." sabi ko.

Napatigil sya, tinitigan nya ako sa mata. Saka sya ngumiti.

"I feel like having a crush on you." sabi nya.

Hala! Crush nya na daw ako?

"Huh?"

"You're admirable."

Shet. Namumula yata ako!

"'Wag mong sabihin yan." sabi ko naman.

Syempre sasabat ako, hindi ako pwedeng talunin ng pesteng kilig.

"Bakit naman?"

"Hindi naman kasi totoo, kung kahanga-hanga talaga ako.. Bakit mula nang pagkabata ko ay wala manlang akong naging kasintahan?" tanong ko sakanya.

Pinigilan nya ako sa paglalakad, hinawakan nya 'yong kamay ko.

"Ako."

"Huh? Bakit ikaw?"

"Pwede akong manligaw." hindi patanong ang pagkakasabi ni Terrence. Mukhang determinado nang manligaw.

"Bakit ako?" tanong ko naman.

Kasi, bakit nga ako? Ang dami dyan, eh.

"Tulad nga ng sinabi mo, baka dahil wala talaga akong mahanap na babaeng magugustuhan ko ay na sayo ang katangiang hinahanap ko."

11:11 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon