AN:update na ulit.. Bibigyan ko ng special chapter ang bawat love teams...
Quen's POV.
Naghiwa-hiwalay muna kaming boys dahil pare-pareho kaming naguguluhan sa mga nararamdaman namin, hindi namin alam kung bakit kami nagkakaganito? Ang nakakapagtaka pa eh palaging hinahanap ng mga mata ko si Emelyn.At ang pinaka malala pa sa lahat hindi ko lubos maintindihan kung bakit sa tuwing may lalapit na lalake kay lyn pakiramdam ko makakapatay ako ng wala sa oras.
Ang isa pa nagpapagulo ng isip ko ay yung mga batang kasama nya/nila last two weeks.
Dom's POV.
Tulala ako habang naglalakad sa hallway ng fgu, at napansin ko nalang na nasa tapat na pala ako ng pintuan ng music room. ilang araw ko na tong napapansin palagi nalang akong wala sa sarili.Minsan maraming tanong sa isip ko bakit ko/namin ginawa ang mga bagay na yon? Bakit namin sila niloko? lalong lalo na siya? Si Veronica, parang sa lahat ng babaeng pinaglaruan ko sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito?..
May girlfriend ako dapat sa kanya lang nakatuon ang pansin ko. Maha-teka minahal ko ba talaga si mich? Hindi ko na kasi talaga kaya eh, lalo na kapag nakikita kong masaya sya sa piling ng iba!! Parang ikamamatay ko pag sa iba sya na punta.
Yung batang kasama nya last two weeks, pakiramdam ko may tinatago siya/sila.
Dj's POV.
Nagpunta ako sa rooftop ng university kung saan madalas naming puntahan ni-never mind.. Fine si Kathryn ang tinutukoy ko, simula ng mangyaring nalaman nila ang katotohanan at kami pa mismo ang dahilan kung bakit nila nalaman ang lahat. Nung makaalis sila ng bansa dun na nagsimulang gumuho ang mundo naming apat!..Katulad ni dom at quen ganun din ang mga tanong sa isip ko, kung bakit sinaktan namin sila/sya? Bakit nagawa ko ang baliwalain sya? Bakit hinayaan kong mawala sya? Hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito.
Lalu na yung batang kasama nya last two weeks.
Diego's POV.
Sa mga oras nato isa lang ang lugar na naisip kong puntahan yun ay ang garden ng university.. Minsan ng naging tambayan namin ni andr- este ni juls pala, marami naring naging tanong sa isip ko katulad ng bakit nagawa ko yon? Bakit pinag mukha ko/namin silang tanga?..Marami pang nagpapagulo ng isip ko, bakit nga ba? Hindi ko na kasi talaga alam eh! Hindi ko na rin alam kung pano o sino ang makakasagot ng mga tanong ko... Marami naring nagbago magmula ng bumalik sila sa university na to" pati nga sila malaki na din ang pinagbago magmula sa ugali, kilos, pananamit, yung dating tahimik ngayon palaban na.
Pati nga pananalita iba na din eh! Pero ang hindi nagbago sa kanila ay yung kung pano makitungo sa nakakatanda sa kanila.
Magalang parin sila.... Ang pinagtataka ko/namin ay yung kasama nilang mga bata last two weeks.
AN:ayan nakapag update narin... Yung about sa kilig scenes ng mga love teams? Baka matagal pa ehh.
So readers sana magustuhan niyo ang chap na ito.
And don't forget to
Vote and comment po plzz..

BINABASA MO ANG
The Nerds Revenge
Hayran KurguInapi,sinaktan, pinag tutulungan ng halos karamihan. Akala nila nakahanap na sila ng mga taong mag mamahal sa kanila, yung tatanggapin sila ng buong buo, kahit na nerd sila. Pero akala lang pala nila lahat ng yon! Dahil sa bandang huli sila lang yun...