Journal entry 10

1.3K 63 2
                                    

Dec 3
12:45AM

Ginulat mo naman ako, Ci.  Hindi ko alam na commercial model ka na pala ngayon.  Ang ganda - ganda ng rehistro mo sa tv.  I checked your vtr.  Sobrang ganda mo.  Gusto ko na ngang iuwi ang laptop ni Tita Pat.  Sigurado ako bagay na bagay sa 'yo ang commercial na iyon.  Bagay na bagay din sa iyo ang jingle 'nun.  Hindi puwedeng hindi kasi I made that song only just for you.  Sana nagustuhan mo. 
Ci, miss na kita.  Pero alam ko hanggang dito lang kita puwedeng kausapin ng ganito.  Ipinangako ko naman 'di ba hindi ako manggugulo.  Promise ko iyon, Ciara.  Kahit gustong - gusto na kitang agawin diyan sa syota mo.
I am taking baby steps to my road to moving on.  I am moving on kasi alam kong okay ka na.  Kasi alam kong malabo ng magkaroon ng part two sa ating dalawa.  I am moving on kasi mahal pa rin kita.
Weird ba?   'Yaan mo na.  Sabi nga ni Tita Pat weirdo daw ako.  Saka alam kong alam mo naman iyon.  Baka kung nababasa mo ang mga nakasulat sa journal ko talagang sasabihin mo, weirdo ako.
Dito lang kasi kita nakakausap.  Dito ko lang kasi nasasabi ang mga gusto kong sabihin.  Kasi alam ko kapag sinabi ko sa iyo ng personal, sigurado akong sasampalin mo lang ako.  Masakit kaya 'yun. Kiss na lang puwede pa 😊
Good night, Ci.  Tingnan mo, medyo maaga ako matutulog ngayon.  Medyo tumalab ang ininom kong sleeping pill.  Don't worry isa lang iyon.  As prescribed by my doctor.  Hindi rin ako lasing.  First time ito na matutulog akong hindi nakainom.  Talagang gusto ko lang matulog.  Hope to see you in my dreams.

Letters for CiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon