Journal entry 15

1.1K 51 3
                                    

December 15
3:52AM

Hi Ci.  One week na kitang hindi nakikita.  Tinitiis ko talaga na umiwas sa iyo.  Kasi papalapit na ang kasal mo.  Nabuking na ako ni Tita Pat na ikaw ang babaeng kinukuwento ko sa kanya.  Pinagalitan pa ako kasi nga bakit ko daw pinipilit ang isang bagay na hindi na mapupunta pansa akin.  Wala naman akong ginagawa 'di ba?  Kahit gusto na kita nakawin kay David hindi ko ginagawa.  Kahit kaya kong sirain si David sa iyo, hindi ko rin ginagawa.  Kasi mahal kita at ayokong masaktan ka ulit dahil sa kagagawan ko.  I tried to date someone, Ci.  Si Ashley.  Pinsan siya ni Den but I think I blew up our first date.  She's pretty, smart.  Funny.  Pero sa totoo lang, we just talked about you.  Wala naman kasi kaming mapag - usapan.  Saka iyon naman ang gusto ko.  I missed you so much, Ci.  I love you so much.  See you in my dreams.  Kung makakatulog pa nga ako 😁

Letters for CiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon