Ang sakit Ci. Grabe ang sakit na binigay mo. 'Tang ina parang wala na akong hininga. Ano lang ang ginawa ni David para balikan mo na? Alam ko ang mga kasalanan ko sa iyo. Ginago kita, maraming babae ang nilandi ko but I never slept with anyone. Ikaw lang, Ci. Hindi ako nakipag - sex kahit kanino. Kasi mahal kita noon. Hanggang ngayon. Gago lang ako kasi takot ako sa committment but ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Pero si David. Anong ginawa sa iyo? Sa lalaki ka ipinagpalit! Putang ina, Ciara! Lalaki! Hindi ba parang sampal sa iyo iyon? Tapos nilambing ka lang binalikan mo na agad? Bakit ako? Dalawang taon akong nagtiis. Para akong baliw ng kakahanap sa iyo. Hindi mo ba nakita na nagsisisi ako sa nagawa ko sa iyo? Hindi mo ba nararamdaman na mahal na mahal kita?
Pagod na ako. Itulog ko na lang itong sama ng loob ko. I wanted some break from this pain. Mula ng dumating ka, hindi na ako napahinga ng kakaisip sa iyo. Kahit sandali lang gusto ko namang sumaya.
BINABASA MO ANG
Letters for Ciara
Cerita Pendek(poem and letter collections of Kyle for Ciara when she left him. Some were made into a song for the Black Slayers' upcoming album)