Journal entry 11

1.3K 55 2
                                    

Dec 4
2:47 AM

Ci, hindi na naman ako makatulog.  Hindi maalis sa isip ko ang nalaman ko.  Alam kong hindi mo alam 'yun.  'Yung tungkol kay David.  Gustong - gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol 'dun sa ex - partner niya.  Lalaki din, Ci.  Lalaki ang ex - partner ng fiance' mo.
'Tang ina.  Hindi ko alam kung paano mo ito iti - take kapag nalaman mo.  Gusto kong sabihin sa iyo but I decided to keep it to myself.  There are some things that are better left unsaid.  Like this.  Ayoko kayong magulo.  Ayaw kitang masaktan ulit.  Nakita ko kung gaano ka kasaya kay David and ayokong nakawin ang kasiyahan mo na iyon dahil lang sa nalaman ko.
Ci, sana maging okay naman tayo.  Kahit usapang kaswal lang.  Siguro masasabi ko ng naka - move on ako sa iyo kapag nakausap na kita ng hindi na ako nasasaktan.  Ang hirap kasi sa tuwing nagkikita tayo alam kong umiiwas ka sa akin.  Kaya ganoon na lang din ang ginagawa ko.
Sana hindi ka sasaktan ni David, Ci.  Kasi baka mabugbog ko ang lalaking iyan kapag sinaktan ka niya.  Tama na 'yung ako ang nanakit sa iyo at pinagsisihan ko na iyon.  You deserve someone better than me and I hope that is David.

Letters for CiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon