Tanggap ko na

3.5K 70 1
                                    

Napakagandang singsing, kumikinang sa harap ko. Bagay na bagay sa kamay mong dati lang ay hawak ko
Pero akala ko kamay ko rin ang hinahanap mo
Ako ay nagkamali mukhang mas sakto ang kamay niya sa iyo
Inaamin ko naman na nagkamali ako ng sobra
Ibinigay mo ang lahat sa akin, wala kang itinira
Pero nalunod ako sa pagmamahal na ibinigay mo
Hindi ko napansin naitutulak na pala kita palayo
Naiinis ako noon sa tuwing darating ka
Kasi ang daming babae, tapos ikaw ang mapapansin nila
Lagi ka kasing nakadikit sa akin, wala na akong pahinga
Laging ikaw, ikaw na lang ako ay nagsawa na
Hanggang sa dumating ang panahon ikaw naman ang nagsawa
'Yung akala kong laging nandiyan ka ay bigla kang nawala
Sabi ko okay lang, mas mabuti nga iyon
Mawawala na ang sunod ng sunod sa akin noon
Pero araw, linggo, buwan ang lumipas
Ang akala kong okay lang, parang bigla akong natauhan
Hinahanap kita, gusto kitang makita
Pero bigla kong nalaman, mayroon ka ng iba
Gustuhin ko man na bawiin ka sa kanya
Alam kong hindi na puwede, alam kong huli na
Masakit para sa akin pero talagang tanggap ko na
Ikaw at at ako ay hindi na puwedeng magsama

Letters for CiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon