Journal entry 14

1.1K 48 0
                                    

December 9
2:32 AM
home

Ci.  You know, I have never been so happy 'til today.  Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako at naaksidente si Vlad pero ang sama ko naman 'di ba?  Well, I felt bad about his accident but mas masaya ako na ka-partner kita. You are so beautiful, Ci.  Kahit saang crowded place siguro, talagang makikita kita kasi you stand out among others.  I held your hand. And it feels like just he same as before.  When it was still mine.  Kahit ilang minuto ko lang nahawakan, masaya na ako.
Nagi - guilty ako kasi kitang - kita ko ang disappointment mo ng malaman mong aalis si David.  Hindi ko naman masabi sa iyo ang totoo kasi talagang masasaktan ka.  So I just kept my mouth shut and listened to your undying love for David.  Kahit masakit okay lang.  Pero ang pinakamasaya kong oras ay nung isuot mo ang singsing na para sa iyo.  Bagay na bagay sa 'yo, Ci. Kung puwede ko lang palitan ang nakapulupot na na singsing sa daliri mo, pinalitan ko na. 
Ilang linggo na lang ikakasal ka na.  Feeling ko naman death sentence sa akin iyon.  Sana lang maging masaya ka, Ci.  Kasi kung magiging masaya ka, magiging masaya na din ako.  Love you 😘

Letters for CiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon