December 1
9:54PM
Just got home. I've met someone. David Liroth. Producer daw. Your fiance'. 'Tang ina, Ciara. He is your fucking fiance'?! Ang sakit naman. Sana nga sinaksak mo na lang ako, eh. Kumuha ka ng kitchen knife tapos sinaksak mo ako ng paulit - ulit para madurog ang puso ko. Kasi ganoon talaga ang nararamdaman ko ngayon. Durog na durog ako. Two years I've been waiting for you. I am missing you terribly. Tapos makikita kita at maghahalikan kayo sa harap ko? Putang ina, Ciara! Ang sakit talaga. 'Yung mga gusto kong sabihin sa iyo, 'yung mga gusto kong ipangako sa iyo, wala na. Sabagay hindi naman kita masisisi. Two years is too long. Siguro nga naka - move on ka na. Kasalanan ko naman talaga lahat. I didn't take care of you kaya may ibang sumalo sa iyo. Ang ganda mo ngayon. Mukhang mas magaling mag - alaga si David. Ibang - iba ka na. I love you more. Sana makausap kita. Hindi ko naman kayo guguluhin kasi nakita kong masaya ka na, eh. I saw how you look at David. Kasi that's how you looked at me dati. 'Nung ako pa ang mahal mo. Pero ngayon, iba na. Ang ganda ng singsing mo. Sayang, hindi mo man lang nakita ang singsing na binili ko para sa iyo. Mukhang magwawagi si Vlad na maibenta 'yun, ah. Mukhang benta kasi ang isang 'yun. I am broken, Ciara. But I am also happy because you're back.
BINABASA MO ANG
Letters for Ciara
Cerpen(poem and letter collections of Kyle for Ciara when she left him. Some were made into a song for the Black Slayers' upcoming album)
