26th Pairings [12/9/17]

165 21 97
                                    

ALOHA!

Some of you received VOTES from this account. PAMBAWI po yan sa mga NAG-PAASA na gagawin ang TASK nila pero hindi naman ginawa. Kung marami kayong matanggap na votes, ibig sabihin two or more na ang partner mo na hindi ginawa ang task niya from previous pairings pa. SAKLAP but it happens.

Voting is the least I could do to make it up to those who did their tasks on all previous pairings.

--------------------------------------------------------------------------------------

PAALALA

Kung ang PARTNER mo ay hindi nakagawa ng TASK ng maayos sa loob ng 3 o 4 araw. Mangyaring paki-PM po siya at kausapin ng maayos. Baka naging busy lang o baka hindi naiintindihan ang rules at rego natin. Paki-guide po sila.

Kung hindi pa siya nakagawa, isang araw bago ang deadline. Kami na po ang mag-PPM sa kanya/kanila o iTTAG namin sila para sa Reminders.

--------------------------------------------------------------------------------------

RULES AND GUIDELINES

1. HINDI PO TAMAD ANG MGA MEMBERS DITO.

lahat kami nagbabasa ng maayos at bawal na bawal ang skim reading. Kung hindi mo kayang magbasa nang bukal sa puso mo huwag ka ng sumali.

2. MAGBIGAY NG CONSTRUCTIVE CRITICISM

hangga't maari hindi lang puro praises o komento galing sa story ang ibigay. Ibigay rin ang ilang punto na iyong napansin upang mas mag-improve ang akda ng partners mo.

3. BE FRIENDLY

Huwag mag-aaway. Kung may hindi pagkakaintindihan, mag-usap privately o kausapin ang kinauukulan.

4. ANG SBC AY TATANGGAP NG ISANG AKDA PARA SA MGA BAGUHAN AT DALAWA O HIGIT PA PARA SA MGA PIONEERS.

Ito ay para makita ng mga baguhang members kung paano ang takbo ng bookclub sa pamamagitan ng pag-observe sa mga gagawin ng mga pioneers na makaka-partner nila.

5. READ. VOTE. COMMENT

Honest reading is strictly required. Vote is only given to those deserving. Comments should be useful to help partner grow in this writing community.

6. LIMA HANGGANG PITONG ARAW ANG ALLOTTED TIME TO DO TASK

Mahabang araw na po iyan para magawa ninyo ng maayos ang task.

7. Three (3) members in one (1) circle

Tatlong miyembro ang magpapalitan ng reads, votes, at comments sa iisang groupo.

8. READ THREE (3) CHAPTERS (PROLOGUE, CHAPTER 1 & 2 etc)

☑Hindi kasama ang blurb, introduction, foreword, cast member, author's note, synopsis, teaser, foreword,etc.

☑Kung nabasa mo na noon ang story ng partner mo, ituloy mo lang kaibigan.

☑Kung ONE SHOT ang story niya, give comment at least 60 word count pa rin.

9. COMMENTING GUIDELINE

May Inline at Outline sa pagbibigay ng comment. Kayo na bahala kung ano ang gusto ninyo. Basta ang importante, bukal sa puso ang komentong ilalagay.

☑Mininum of two (2) sentences per comment.

☑Minimum of 3 comments per chapter, including prologue.

Simpleng Book Club 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon