Hello SBC-ians
For our mini-activity today, we will have a quick discussion about CRITISM.
Since pasukan na ulit, we will be having classroom atmosphere ;P
Professor Aftermat speaking...
Yes, you read it right, our topic for today is Criticism, hindi po ito yun tungkol sa problema sa pakikipag-socialize at speech and non-verbal problems kasi Autism po yun.
Ang criticism as defined by the dictionary ay...
Criticism : the analysis and judgment of the merits and faults of a literary or artistic work.
So sa madaling sabi, ito yun mga uneducated nating pananaw sa isang story o kwento(in terms of use here in Wattpad ha).
OK, OA yun uneducated, ito yun mga matatalinong pagkakaintindi at reaction natin sa isang likha.
May tinatawag tayong positive criticism, may negative criticism, may constructive criticism at may destructive criticism.
All speaks for themselves, nandun na yun ibig sabihin sa pangalan pa lang ng klase ng criticism.
Constructive Criticism - ito ay kadalasang mga payo na maaaring makabuti or ikaganda pa ng isang kwento, mga unsolicited at free na tulong mula sa isang kapwa manunulat din. Kung minsan may pino-point out na mali sa spelling, grammar, pacing, expression, flow etc.
Positive Criticism -katulad ng Constructive Criticism, ito ay mga magagandang reaction or pananaw ng isang reader sa nabasa nyang kwento, pero wala syang ini-impose na pagbabago sa kwento.
Destructive Criticism - ito ang pinakaleast na gusto natin na makita sa comment section ng mga stories natin, pero kung minsan di maiiwasan na may gumagawa nito, nag-uumpisa ito sa intention ng Constructive Criticism, pero maaaring nasabi sa maling paraan at sa walang consideration na pagbibigay ng comment. Ito ay isang paraan din ng pag-ba-bash ng isang kwento.
Negative Criticism - Mga hindi pag-sang-ayon sa isang kaganapan or parte ng isang kwento (or ng isang buong kwento), or mga bad comments or reactions na hindi nakakatulong sa kwento.
Para sa isang reading community, (speaking in general, hindi lang sa SBC Community). Hindi lang ang mga Admins ang may tungkulin na gawin ang Constructive o Positive Criticism sa mga kasamahan sa isang grupo, kundi ng bawat kasapi nito.
BINABASA MO ANG
Simpleng Book Club 2017
De TodoWrite-Read-Critic-Learn-Have Friends-Be Happy-Dont Copy Latest FORM can be found under the most recent SBC LOBBY EVENT SBC 2017