25th Pairings [12/02/17]

205 19 94
                                    

Maligyang bati sa inyong lahat!

Ang Moderator ay napakasaya dahil ang dami nating ngayon sa pairings! Magbunyi!!

Masaya kaming mga pioneer sa SBC na marami ng nakaka-discover sa aming pamilya. Maligaya kaming makasama kayo at nawa magtagal tayong sama-sama.

Maraming sumubok mapabilang sa ating pamilya. May mga tumakas sa task. May mga umalis at hindi na nagbalik.

Ngunit ang mahalaga, may mga sumusubok pa rin. May mga susubok pa sa susunod. At lalung-lalo na, may mananatili maging parte nito ng matagal.

--------------------------------------------------------------------------------------

Welcome to our LOVING and CRAZY Family!

--------------------------------------------------------------------------------------

Commerical muna!

BAKIT KA SUMASALI SA MGA BOOK CLUB?

1. Para dumami ang READS, VOTES, at COMMENTS

2. Para magkaroon ng Watty friends

3. Para hindi naman masayang ang sinulat mo.

Tama ba?

Well, Para sa akin, ang pagsali sa mga book clubs ay hindi lamang umiikot sa tatlong nasabing halimbawa.

Natututo tayo hindi lamang sa mga SUGGESTIONS ng ating mga nakakapareha, ngunit maging sa mga mismong AKDA nila na nababasa natin.

Paano?

I-observe mo ang pamamaraan nila ng pagsusulat. Paano nila ginagamit ang mga punctuation marks? Ano pa ba ang ibang Dialogue Tags na puwede mong magamit? Paano nila ginamit ang POV ng story nila?

ENDLESS ang matututunan mo.

Matuto ka lang magbasa nang tapat at buong puso.

Tapos na!

--------------------------------------------------------------------------------------

PAALALA

Kung ang PARTNER mo ay hindi nakagawa ng TASK ng maayos sa loob ng 3 o 4 araw. Mangyaring paki-PM po siya at kausapin ng maayos. Baka naging busy lang o baka hindi naiintindihan ang rules at rego natin.

Kung hindi pa siya nakagawa, isang araw bago ang deadline. Kami na po ang mag-PPM sa kanya/kanila o iTTAG namin sila para sa Reminders.

--------------------------------------------------------------------------------------

RULES AND GUIDELINES

1. HINDI PO TAMAD ANG MGA MEMBERS DITO.

lahat kami nagbabasa ng maayos at bawal na bawal ang skim reading. Kung hindi mo kayang magbasa nang bukal sa puso mo huwag ka ng sumali.

2. MAGBIGAY NG CONSTRUCTIVE CRITICISM

hangga't maari hindi lang puro praises o komento galing sa story ang ibigay. Ibigay rin ang ilang punto na iyong napansin upang mas mag-improve ang akda ng partners mo.

3. BE FRIENDLY

Huwag mag-aaway. Kung may hindi pagkakaintindihan, mag-usap privately o kausapin ang kinauukulan.

4. ANG SBC AY TATANGGAP NG ISANG AKDA PARA SA MGA BAGUHAN AT DALAWA O HIGIT PA PARA SA MGA PIONEERS.

Ito ay para makita ng mga baguhang members kung paano ang takbo ng bookclub sa pamamagitan ng pag-observe sa mga gagawin ng mga pioneers na makaka-partner nila.

Simpleng Book Club 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon