p r o l o g u e

9 1 0
                                    


'Bat pa kaya ako naisipan buhayin ni God noh? Ay oo nga pala wala palang kaluluwa tong katawang 'to.' sinundan niya pa ito ng tawang halatang pinilit lang niya.

Tinitigan ko lang siya at ng bigla kong narinig ang kantang naging paborito ko dahil sa kanya.

'Magiiba ang tingin mo sakin kapag nakilala mo na ako. Kaya hanggang maaari ayokong magpakilala sayo..' agad niyang iniwas ang tingin niya sakin.

Pero, nakilala na kita, babeyam.

'Babeyam!? Pinagloloko mo ba ako? Wag mo nga akong idamay diyan sa kajejehan mo, pang letse ka ng umaga eh.. magtooth brush ka nga!' Tinulak niya ako dahilan para mahulog ako sa kama habang nasa baba ako ay nakita ko pa siyang naglakad palabas.

Nang maalala ko yung ay napangiti ako, kasi nagtampo talaga ako sa kanya, ayaw niya kasi ng babe o kaya yam kaya pinagsalo ko pero ayaw niya parin.

'U-uy.. s-sorry na, tsk! Dami mo kasing arte. Yaan mo na, i still love you babeyam, even if you act like a gay and child.' Mas dinikit niya pa ang katawan niya sa likod ko at hinigpitan ang yakap niya sakin mula sa likod.

That's our first hug back, sobrang sarap sa pakiramdam.

'Say my fvcking name, Lyde!'

Unang pagaaway..

'Di ko siya magawang matawag sa panglan niya, di ko kaya. Sobrang nasasaktan ang puso ko. Tinignan ko ang mukha ko. Kamukha ko talaga siya.'

Bakit kasi siya pa? Nagsimulang tumulo ang luha ko, yun kasi ang dahilan kung bat humantong sa lahat ang ganito.

'Why it is so hard? Ang gusto ko lang naman ay ang mahalin ka, bakit kung kailan masaya na to, umabot pa sa ganito? Ano bang nagawa ko?' Nagsimulang tumulo ang luha niya.

Biglang sumikip ang dibdib ko ng maalala ko yun, nagsimulang maginit ang gilid ng aking mga mata.

'Kapag namimiss mo ko, tingin ka lang sa langit kapag gabi... iyak ka lang onti tapos ngiti na ha? Wag mo kong masyadong mamiss..' nilingon ko naman siya, nakangiting tumitig siya sa langit.

Naalala ko pa ang videos at kantang, pakinggan ko raw pag namimiss ko siya.

'Ano ba naman Lyde! Sandali lang ako dun mga tatlong araw lang. Di mo ba kayang maghintay. May nangyari lang sa isang branch namin sa South Korea. Para ka nanamang bata!' napa-'pout' nalang tuloy ako dahil sa sinabi niya.

Pinlay ko ang may pangalang 1 SoKor na pangalang video.

'Ayan panoorin mo! Nanggigil ako sa'yo aish! Panoorin mo yan pag namimiss mo ko, sarap mong isungalngal eh.' nakasimangot niyang sinabi, napangiti naman ako.

Nakakamiss ka na, babeyam. Pero alam kong di ka na babalik.

'Hinding hindi kita iiwan, di ko alam pero parang kaya ko lang lumayo sayo pero di kita kayang iwan. Magulo ano? Sorry na hehe.' tumawa siya sabay ay tinitigan ako sa mata. Ayan nanaman ang mata niya kapag hindi niya suot ang contact lens niya. Ang ganda ganda, nakakaadik.

Tinitigan ko ang mata niya, nakakaadik tignan. Kakaiba.

Napangiti ako.

"Kailan kaya siya babalik, kuya Lyde?" Nabura kaagad ang ngiti ko.

Agad akong ngumiti ng makita ko ang batang iniwan niya kahit umalis na siya. "Di ko rin alam baby girl eh."

Napangiti siya sa kawalan, kahit hindi siya nakakakita ay alam kong ramdam niya din ang lungkot ko.

"Alam kong babalik siya kuya.. kasi andito na siya."

Napalingon ako sa main door ng may marinig akong kaluskus.

Tatayo palang sana ako para tignan ito ng may biglang pumasok.

"Lyde! May balita na kami about sa pagkawala ni Fiasa!"

Namutla ako bigla at nagkaron ng pag-asa.

---

Tenny's Note: pinalitan ko ang prologue hindo kagaya ng original sa dating libro ng serendility, pasensya pero enjoy reading!

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon