1

16.6K 147 5
                                    

TUMUTUGTOG si James Erik Escañan ng piano sa isang sulok ng condominium unit niya. It was Ludwig Van Beethoven's "Pathetic." The music was sad, obviously. Sa pamagat pa lang ay halatang-halata nang iyon ay malungkot. Pero bakit nagagawa niyang ngumiti habang tinutugtog niya ang piyesa? Hindi ba niya nararamdaman ang tinutugtog niya?

Iba kasi ang iniisip niya habang tumutugtog. Isang napakagandang mukha na may taglay na napakagandang ngiti. Isang babaeng para sa kanya ay ang pinakamagandang nilalang na nakita niya sa buong buhay niya.

Napatigil siya sa pagtugtog nang biglang tumunog ang cell phone niya. Dinampot niya iyon mula sa itaas ng piano. Ang kaibigan niyang si Aaron Castillo ang tumatawag.

Pinindot niya ang Answer call button. "Napatawag ka?" tanong niya.

"Ano, pare, ready ka na bang ma-interview?" tanong din nito mula sa kabilang linya.

Napakunot-noo siya. "Interview?"

"Sa All About Men." Feature writer ito ng men's magazine na iyon. Pero hindi lamang ito doon nagsusulat. May column din ito sa isang sikat na newspaper. Story writer din ito ng comics ng isang weekly magazine. Nagsusulat din ito ng script, horror, inspirational, at romance. Halos lahat ng writing genre ay kaya nitong isulat. For him, his friend was indeed the writer.

Nasapo niya ang noo. Ngayon nga pala ang schedule ng interview niya rito. "Sorry, pare," hinging-paumanhin niya. "May tinatapos akong piano piece," rason niya.

Isa naman siyang pianist. Composer. He composed songs for the singers and composed piano pieces to be used as background music in movies and TV series. Katunayan ay nagkaroon siya ng album noong nakaraang taon at isa si Aaron sa mga binigyan niya ng complimentary copies niyon.

Pumalatak si Aaron. "Maninibago pa ba ako sa 'yo, JE?" Halata ang panghihinayang sa tono ng boses nito sa paghingi niya ng paumanhin at dahilan niya. Everyone was calling him "James" or "Erik" or sometimes, just "Rick" and he was calling himself "James" but Aaron was calling him "JE" since college. Iyon na ang nakasanayan nitong itawag sa kanya.

Nagkakilala sila nito sa theater ng unibersidad na pinapasukan nila noon. Ito ang scriptwriter, siya ang background music composer. Siya rin ang gumagawa ng mga orihinal na kanta para sa mga musical plays. Mula noong nagtapos siya hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin siya ng piano sa College of Music ng unibersidad na iyon. Talagang kinuha siya ng unibersidad para magturo doon.

"Pasensiya na talaga," sabi niya. "Kailangan na ito bukas sa editing ng bagong teleserye ng PBS." Ang Philippine Broadcasting Station ang tinutukoy niya. Iyon ang pinakamalaki at pinakasikat na TV network sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga sikat na actors, actresses, at singers ngayon ay nandoon sa istasyong iyon. Maraming teleserye at pelikula na ng network na iyon ang ginawan niya ng background music sa loob ng tatlong taon. Ngayon pang ilang buwan na lamang tumatagal sa ere ang mga TV drama series. Parang siya na ang resident composer ng PBS Channel 10.

"Ano'ng magagawa ko?" ani Aaron sa muling paghingi niya ng paumanhin. "Sige, sa next issue ka na lang namin ipi-feature." Napangiti siya sa sinabi nito. Ilang issue na ba ng magazine na iyon ang na-publish mula nang nagpaalam ito sa kanya upang i-feature siya bilang Bachelor of the Month niyon? "Itutuloy ko na lang ngayon ang ginagawa kong script. Kailangan na rin pala ito sa susunod na mga araw." Scriptwriter ito ng horror series sa sikat ding TV network na kalabang istasyon ng PBS. Pero hindi mahalaga sa pagkakaibigan nila ang pagiging magkalaban ng kanilang istasyon.

"Iyon naman pala," hindi na nakokonsensiyang sabi niya. Ang totoo niyan kasi ay tapos na niya ang mga background music para sa bagong teleserye ng PBS. Kaya nga libre na siyang tumugtog ng piyesang gusto niya. He was just telling another white lie to his friend. Hindi kasi niya masabi rito na hindi pa siya handang mai-feature sa alinmang magazine.

Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon