4

4.6K 95 0
                                    

"JAMES..." tawag uli ni Celine sa lalaking nakita niya pagkababa na pagkababa niya ng kotse. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na patanong ang pagtawag niya rito dahil siguradung-sigurado siyang ito si James Erik Escañan.

He was the same handsome guy on the cover of "Once Upon A Time" album. And he was more handsome in person. Napakaguwapo na nga nito ngayon. Malayung-malayo na ito sa James na nakilala niya noong high school.

Siyempre, hindi magbabago ang tangos ng ilong nito at mapupula nitong mga labi. He was still wearing eyeglasses but it was not thick like what he wore during high school days. He was now wearing a fashionable eyewear.

Sa suot nitong long-sleeved polo na itinupi ang mga manggas hanggang sa mga siko nito ay nababakat ang gumanda nitong katawan. Lumapad ang dibdib at mga balikat nito. Tumangkad din ito. Noon ay pantay lamang ang taas nila nito.

Hindi niya napigilan ang mapatulala sa kaakit-akit na nitong anyo ngayon.

"A-are you one of my fans? Sorry, I have no time for autograph signing."

Napakurap siya. Ano raw?

Papasok na sana ito sa kotse nito nang pigilan niya. "T-teka, James. H-hindi mo na ba ako nakikilala? It's me, Celine," nakangiting pagpapakilala niya.

Kumunot ang noo nito na tila nag-isip pa. "Celine?"

Napalis ang ngiti niya sa inakto nito. Nagbago na ba ang mukha niya kaya hindi siya nito makilala? Sabi ni Gwen, ganoon pa rin naman ang itsura niya. Mas gumanda nga lang daw siya. Kaya siguro hindi siya makilala ni James dahil nadagdagan pa ang ganda niya.

Will you stop flattering yourself, Celine? anang kontrabidang isip niya.

Napangiti siya nang umaliwalas ang mukha nito. "Oh, yes. I remember you. So how are you?" nakangiting tanong nito.

"F-fine. How about you?" Sa tingin niya ay hindi na niya dapat itanong iyon dito. Halata namang okay lang ito. Parang wala nga itong problema. Pero hindi na ito kagaya nang dati na parang dala nito ang kasiyahan ng buong mundo tuwing nakikita siya.

He had changed. Physically... and emotionally.

"I'm fine," kaswal na sagot nito. "I'm sorry, I have to go."

"O-okay." Gusto niya sanang pigilan ito dahil gusto pa niyang makausap ito nang matagal pero biglang umurong ang dila niya.

"What about me, James? Hindi mo ba ako kukumustahin?" sabad ni Gwen na kalalabas lang ng kotse.

Hindi na naman natuloy sa pagpasok sa kotse nito si James at nilingon ang kaibigan niya. Kaagad na umaliwalas ang mukha nito. "Gwen!"

Bakit si Gwen ay kaagad nitong nakilala? Lumapit pa ito sa kaibigan niya. Napasinghap siya nang maamoy niya ang mabangong men's cologne nito nang dumaan ito sa harap niya.

Niyakap pa nito ang kaibigan niya. "Kumusta ka na, Gwen?" anito nang kumalas sa kaibigan niya. "God, how many years?" Tila nagbilang pa ito sa isip. "Ten years?"

"I'm fine," nakangiting sang-ayon ni Gwen. "And yes, you're right. Ten years."

Sumang-ayon din siya rito sa isip niya. Sampung taon na ngang hindi nila nakikita ni Gwen si James.

Mula noong nagtapos sila ng high school ay bigla na lang itong nawala. Iyon pala ay tumungo ito sa Maynila upang doon mag-aral ng college. Ang ate nito ang nadatnan niya sa bahay nang puntahan niya ito noon. Sa isang unibersidad naman sa Cebu City sila ni Gwen nagkolehiyo.

Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon