6

4.2K 91 0
                                    

TUMUTUGTOG ng piano si James sa isang variety show ng PBS. Tumapat sa araw ng Linggo ang birthday niya at every Sunday ang show na iyon kaya naimbitahan siyang maging guest doon.

Pagkatapos niyang tumugtog ay in-interview siya ng dalawa sa maraming hosts ng palabas. Nasa gitna siya ng entablado at pinapagitnaan ng mga ito. Mayamaya ay dumating ang ibang hosts na may dalang isang layer ng cake. May kandila iyon na hugis ng numerong twenty-six.

Hinipan niya ang kandila pagkatapos siyang kantahan ng "Happy Birthday." Sumabay rin ang ibang mga audience at ang mga fans niya. Nagpasalamat siya sa lahat at nang banggitin niya ang salitang "fans" ay naghiyawan ang mga ito.

Mayamaya uli ay may tinawag ang isang host na mga taong mula sa Paradise Records para i-award sa kanya ang plaque na nagpapatunay na platinum na ang album niya. It was a surprise and he was surprised.

Muli siyang nagpasalamat sa lahat. Mas humiyaw pa ngayon ang mga fans niya. At ipinangako niya sa sarili na hindi na siya tatanggi sa anumang offer na darating sa kanya.


SUMABAY si Celine sa muling pagpalakpak ng mga audience sa pinapanood niyang variety show sa TV. Katatapos lang magpasalamat ni James sa lahat para sa birthday nito at para sa pagiging platinum ng album nito.

Hindi man nabanggit ang pangalan niya ay masaya pa rin siya sa success na dumating dito. She prayed for more blessing and more success for him.

"Sabi ko sa 'yo, eh, dapat pumunta tayo ro'n para manood ng personal," sabi ni Gwen mula sa likuran niya.

Nilingon niya ito. "Okay na ako rito."

Umupo ito sa tabi niya. "Ano na ba ang binabalak mong gawin?"

"Ang kausapin siya sana. Kaso parang wala naman siyang balak na kausapin ako."

"Puwede ba 'yon? Nagpapakipot lang 'yon. Puntahan natin siya. Abangan natin sa labas ng istasyon. Kung gusto mo, ipa-kidnap natin."

"Sira!"

"Alam ko na," anito nang tila may naalala. "Nabasa ko sa newspaper. Isang maiksing article lang 'yon. Wala nga siyang interview doon. Nakalagay roon na nagtuturo siya sa isang university." Binanggit ni Gwen ang sikat na university na iyon.

Ayon pa raw sa article ay doon din daw nag-aral si James at doon din nagtuturo ang papa nito noon.

Nabuhayan siya ng pag-asa.


MASAYANG nagkukuwentuhan sina James, Aaron, at Queenie habang kumakain sila sa isang restaurant. Doon niya b-in-lowout ang mga ito nang gabing iyon.

"Ano nga pala ang wish mo?" tanong ni Queenie sa kanya.

"Marami," matipid na sagot niya.

"Isa na ba roon ang makasama si Celine?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Celine? Who's Celine?" kunot-noong tanong ni Aaron.

"Oops! Sorry, nadulas ako," paumanhin ni Queenie. "Sabihin mo na lang kay Aaron," anito sa kanya. "Ako ang bahala. Kapag tinukso ka niya, lagot siya sa 'kin."

Kaya nga hindi niya sinabi iyon kay Aaron dahil alam niyang katakut-takot na panunukso ang gagawin nito sa kanya. Pero ayos na rin iyon. Masarap naman yatang pakinggan na tinutukso ka sa minamahal mo. Ngumiti siya.

Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon