TINITIGAN ni Celine ang mukha ni James sa music album nito. Meron siyang kopya niyon dahil umabot ang mga kopya niyon sa mga Filipino stores sa Amerika.
Pagkagising niya nang umagang iyon ay ito kaagad ang naisip niya. Naalala rin niya ang album nito kaya kaagad niyang hinanap iyon sa mga gamit niya.
Napakaguwapo nito sa larawan nito sa cover ng album nito. Wala itong suot na eyeglasses. Nakangiti ito nang bahagya sa picture habang nakapamulsang nakatayo at nakasandal sa tabi ng piano sa tabi ng ilog. The scenery was very calm.
Nakasuot ito ng plain na kulay-abong Amerikana. May bowtie ito. Itim ang kulay ng slacks nito. The album was entitled "Once Upon A Time" and subtitled "Original Compositions of James Erik Escañan."
Nagulat at namangha siya nang una niyang nakita ang album na iyon noong isang taon. Nang mabasa niya ang pangalan ni James doon, hindi niya akalaing ito iyon. Hindi siya makapaniwala pero totoong ito iyon.
He looked very handsome. Noong high school ay guwapo rin ito pero hindi katulad ng nasa picture. Hindi dahil photogenic ito kaya guwapo ito sa picture. Kung ano ang itsura nito sa picture ay ganoon din sa personal. Tulad na lamang ng kuha nito sa yearbook nila.
May kahabaan ang buhok nito noong high school at nakasalamin ito dahil malabo ang mga mata nito. Hindi mo masasabing guwapo ito kung hindi mo titingnan nang mabuti.
Pero sa picture nito sa album nitong iyon ay may kahabaan pa rin ang buhok nito pero may nilalagay na roon na kung ano upang mas maayos pa iyong tingnan. Nasanay siyang nakasuot ito ng salamin. Pero may salamin man o wala, guwapo pa rin ito. Dahil siguradung-sigurado siya na taglay pa rin nito ang pinakamagandang kayumangging mga mata na gustung-gusto niyang muling mapagmasdan.
Binuksan niya ang CD case at kinuha mula roon ang disc. Isinalang niya iyon sa CD player ng cassette na nasa itaas ng mini-cabinet sa kuwarto niya. Tumugtog ang unang composition sa album na pinamagatang "High School Romance." Ilang beses na niyang napakinggan iyon kaya alam niyang masaya ang unang parte niyon pero ang kasunod ay malungkot na.
Nang nakita at napakinggan niya ang album na iyon ay marami siyang na-realize.
JAMES was telling his high school love story in his composition entitled "High School Romance." His happy-at-first and sad-at-the-end love story.
With Celine.
Hindi nga lang niya alam kung matatawag ngang love story iyon dahil siya lang naman ang in love sa babaeng mahal niya at hindi nito alam na mahal niya ito.
Kasalukuyan niyang pinapakinggan ang komposisyon niyang iyon mula sa album niya habang iniisip si Celine. Hindi talaga niya alam kung bakit mula kahapon nang maalala niya uli ito ay tuluy-tuloy na iyon hanggang nang araw na iyon. Segu-segundo na lang ay laman ito ng isip niya. Paano ba siya makaka-concentrate sa mga gagawin niya?
Celine was such a big destruction. But most of the time, she was his biggest inspiration.
Hindi talaga niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip ang babaeng iyon.
Bakit ba niya pinapakinggan ang musikang iyon? Naaalala lang niya si Celine. Dapat kalimutan na niya si Celine. Hindi niya maiisip si Celine kung hindi niya ito iisipin. Pero sa tuwina ay pilit talagang sumisiksik ang magandang mukha at matamis na ngiti ni Celine sa isip niya, pilit na sumisiksik sa alaala niya ang masasayang araw nila nito.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR]
Teen Fiction"I know my heart won't learn to love anymore because it will only beat for one person. And that person is standing in front of me now. It's you." Lihim nang iniibig ni James si Celine mula pa noong nasa high school sila. Dahil likas na mahiyain at t...