dear diary

3 0 0
                                    

Dear K,

Hindi ko alam kung kelan nagumpisa, basta ang alam ko gusto na kita.

Nagpapansin ako sayo, ako lagi nagchachat sayo kahit pa magmukha akong tanga. Advice ako ng advice sayo tungkol sa babaeng Mahal mo na iniwan ka, akala mo may love life ako kaso wala kasi yung taong mahal ko may mahal naman na iba.

Natuto akong mag ayos, dati simpleng ponytail at powder lang gamit ko ngayon natuto na akong magfoundation, mag lipstick, mag mascara at Mag blush on. Natuto akong mag make up nang dahil sa mga sinabi mo. "bagay mo ung lip tint" "maganda ka naman" mga katagang binitiwan mo saakin.

Naging malapit tayo sa isa't isa. Yung tipong kahit puro emoji na tumatawa lang ang laman ng conversation ok na. Hanggang sa magbiro-an na. Hahagalpak ng tawa kahit nag mumukha ng baliw.

Napagkamalan pa tayong mag Jowa dahil nga close tayo at napilit kitang sumali sa play na Hindi mo naman ginagawa noon. Napilit din kitang sumali sa essay writing at nanalo ka magkasama tayong sumali nun, kasama kita at di mo ko iniwan mag isa. Sabay na kumain ng fishball at kikiam. Sabay na naglalakad habang naghahanap ng room. Hindi ko maipaliwanag Kung anong nararamdaman. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib, naririnig mo ba yun?

Ngayon ngay ako'y biglang nawawalan ng pag asa. Pakiramdam ko'y umiiwas ka. Kung umiiwas ka dapat ko na rin sigurong tigilan. Ipagpapasadiyos nalang ang tadhana nating dalawa.

Pero, hayaan mo akong ibigay sayo ang hinanda kong regalo para sa pasko. Pagkatapos nito bahala na. Magpapahinga pero Hindi susuko. Hindi magpaparamdam perp Maghihintay.

Isa lang ang hiling yun ay ikaw, maramdaman mo sana ang tibok nitong puso. Dahil ramdam ko ang tibok ng puso mo nang minsang hawakan mo aking kamay at ilagay saiyong dibdib. Sana'y totoo ngunit isa lamang iyong palabas para sa iba.

Hanggang dito nalang muna.


~H

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear kTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon