KABANATA II

5.6K 70 4
                                    

***


Magsasalita na dapat ako, hindi ko lang naituloy dahil mabilis na ngumiti si manong driver sakin at pinaandar na ang kanyang tricycle ng mabilis hanggang sa mawala na nga itong ng tuluyan sa harap ko.

"Weird." 

Pumasok na ako ng tuluyan sa loob matapos kong buksan ang lock sa gate ng bahay ko. Ay sheet! Hindi ako na kapag bayad ng pamasahe kanina! Huluh!

Nakalimutan din ata ni manong, naku naman. Bukas na lang siguro, iisang terminal lang naman din ang sinasakyan ko malamang sa malamang eh makikita ko naman siya bukas.

Mahirap na baka maakusahan pa akong manggagancho dahil sa hindi ako nakapagbayad.


"Ah- aaray !" 


Jusme ang sakit ng balikat ko, parang may mabigat na bagay na nakapatong. Ginalaw galaw ko pa ang balikat ko na parang mag swiswimming, ang bigat naman ata nitong katawan ko aba.

Matapos kong siguraduhin na naka lock na ang lahat ng gate at pinto sa labas at loob nitong bahay ay umakyat na ako sa aking kwarto.

"Ahhh- grabe ang daming nangyari ngayong araw.." Bakit ba hindi na ako nasanay.... nasa Pilipinas ako kaya malamang sa malamang may ganitong pangyayari nagkalat ang masasamang loob na manyak na walang disiplina akal mo eh walang nanay.


Ganito pala yung feeling ng nakasaksi ng harapan na inaatake ng sakit na epilepsy, nakakatakot. Mabuti na lang at wala ni isa man lang sa pamilya ko ang may history ng sakit kagaya noon, mukhang hindi ko yata kakayanin na makita sa ganoong lagay ang buhay ng isa sa pinakaiingatan kong yaman, ang pamilya ko.  


Ang drama ko diyan pero ganoon talaga.

Direretso akong humilata sa aking kama kahit pa naka unifrom ako, wala akong paki ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makapagpahinga muna kahit kaunti.


Hayss... ang sakit parin ng balikat ko grabe naman ano ba talaga pinagagawa ko kanina sa office? upo, tayo, lakad at takbo lang naman ang kilos ko matapos magtype at maipasa ang lahat ng dapat ipasa sa financial head namin na paper works.

Pero ewan ko ba ang OA ng pagkasakit parang may nakapatong na ewan na mabigat na bagay.

"Masakit ba."

Mabilis akong napadilat kasunod ay napatayo ako ng wala sa oras sa pagkahihiga ko sa hinihigaan ko. syeet...!! ano iyon? Teka binuksan ko ba yung T.V kanina?


Mabilis na lumipat ang tingin ko sa T.V na nandito sa loob ng aking kwarto. Syet... nakapatay naman.

Sunod kong tinungo ang mga bintana sa kwarto ko, isa isa kong tinabig ang makakapal na kurtina na mayroon ito at...... Syet! nakasara lahat chaka mataas itong bahay ko at madilim na sa labas, parang napaka imposible naman na galing yung boses sa labas.... pero paanong- hays... mukhang pagod na pagod nga ata na talaga ako, kung ano ano na yung naririnig ko, at isa pa bakit pa ba ako nagaksaya na tignan kung bukas itong mga bintana sa loob ng kwarto ko eh... never ko naman na nabuksan yan kahit na naglilinis ako dito dahil air-conditioned itong kwarto ko. Ang creepy lang ah?


Nababaliw na ata ako o dala na ito ng sobrang pagod.


Napadako ang tingin ko sa wall clock na nasa itaas ng pintuan na pang labas at pasok dito sa aking kwarto. 10:17 PM, nakatulog na pala talaga ako kanina ng mahigit dalawang oras hayss bakit feeling ko parang idlip na pang 5 minutes lang yun.

PERVERT MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon