"Hoy girl! Anyare sayo? Ikaw ah! may jowa kana no?"
Hala ka jan parang tanga talaga? Itong tao na ito nakakapansin na ako ha.... crush ata ako nito eh. Ako na lang lagi napapansin suntukin ko ulo nito eh. Inirapan ko na lang siya pagkatpos ay kinurot ng mahina at tumuloy na lumabas sa elavator. Mag aalas otso na ng gabi, pero ngayon pa lang ako uuwi. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sobrang stress ako ngayon na umuwi ng ganitong oras, samantalang wala naman problema sa akin mag overtime.
Kasi may naghihintay na Dylus sayo ngayon sa bahay.
"AHHHH!!"
Hindi ko na napigilan nabatukan ko na ng tuluyan yung sarili ko. Nakakainis naman kasi, simula kanina pagpasok hindi nawala sa isip ko yung mga nangyayari sa buhay ko. Paano ba naman mag dadalawang lingo na sila dalawa tumitira sa bahay. Wala na ako stock ng pagkain, napakapatay gutom ni Ken bwiset.
Mukhang naiissue narin ako sa mga kapitbahay namin. Paano ba naman bigla na lang may dalawang lalaki ako kasama sa bahay, matapos ang ilang taon kong pagiisa. charot! medyo OA ako sa part nayon. EH! basta! Hanggang kailan ba sila lalagi sa bahay. Nagmumukha akong playerist girl nito eh.
Hindi ko din maintindihan yung sarili ko. Kahit na hindi ko naman sila ganoon kakilala dalawa, kampante parin ako na wala silang gagawin na masama sakin... lalo pa't babae ako. Well kung si Dylus hehehe naman why not? CHAROT! huhuhu kapag nalaman nila mama at papa na nag papatuloy ako sa bahay ng lalaki.... DALAWA PA! baka mapauwi sila dito sa Pilipinas ngayon.
Patambay tambay rin ako muna kila ninong kapag napa paaga ang uwi ko, mahirap na baka mag surprise visit sila sa bahay. Malaman pa na nagpapatuloy ako ng mga di ko naman ganoon ka kilala na lalaki. huhuhuhu.
"Nagugutom na ako, malamang tapos na sila kumain. Martes ngayon so si Ken ang magluluto..... mag dridrive through na lang ako."
PAANO BA NAMAN KASI! salitan sila dalawa ngayon ng gawain sa bahay. Simula sa pag lilinis hanggang sa pagluluto. Sakto at pay day ko ngayon plano ko mag grocery sa Thursday since rest day ko yun. Pero sa ngayon mag mcmcdo na lang muna ako. Mas okay pang mag fast food kay sa magtiis sa luto ni Ken.
Simula kasi ng namalagi sila sa bahay since wala naman sila binabayad sa akin bukod sa kaingayan at kabwisitan lalo na yan si Ken. Gumaan naman buhay ko sa gawain at pagkain, masyado nga lang patay gutom ito si Ken. Buti pa si Dylus......
At ayun nga pagkatapos kong makapag order sa Mcdo ng pang dinner hindi ko naman matiis yung dalawa na hindi bilhin kahit sundae at fries man lang. Grabe diba sila na nga lang nakikitira ako pa ang nahihiya kapag bibili ako ng pagkain na baka hindi ko sila mabigyan din.
dumodoble gastos ko sa pagkain at kuryente nito nako pero maayos naman ang lagay ko kumpara noon na hindi ko naaasikaso ang bahay. Mas maganda narin ang itsura ng bahay ngayon lalo na sa sala at bakuran samahan mo na din na nalilinis ang kotse ko may sasakyan din kasi si Ken kaya kapag sa ayusan at linisan ng garahe at sasakyan kasama na ang baby ko.
Iilan lang din siguro yan sa mga mabuting dulot nila sa akin, pwera na lang kapag naglilinis itong si Ken sa labas ng bahay at Garahe eh binubuksan nya talaga ng pagkalaki laki ang gate kaya naman super tingin yung mga kapit bahay kong babae sa kanya. Gustong gusto ang atensyon ng lalaki na iyon.
BINABASA MO ANG
PERVERT MOON
General FictionAS OF NOW THE HIGHEST RANK IN KILABOT CATEGORY IS rank 2❤️🌑 🔞 18 yr old plus. Tagu tagu an maliwanag ang buwan, Wala sa likod Wala sa harap Pag kabilang kong sampu Nakatago na kayo. Isa Dalawa Tatlo Apat Lima An- "ahh shit deep bab--y!" (Updat...