"Yrielnhy..."*dug-dug*
Ang kulay kahel na pares ng mata na iyon. Bakit parang nakita ko na talaga ito noon pa, hindi lang pamilyar sa akin kundi parang naging parte na ito ng buhay ko. Ha? Bu-hay ko?
Ano ba itong mga naiisip ko, kung ano ano na lang tuloy pumapasok sa isip ko parang timang lang. Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad patungo sa pwesto niya ngayon sa tapat ng gate ng bahay.
"Dylus.."
"Yrielnhy?"
"Dylus?" Patanong na sagot ko naman dito. Napansin ko ang pag taas ng kilay nito sa naging sagot ko uli sa kaniya.
"Yrielnhy?" Sagot nito matapos ng ilang segundo pero halatang ginaya niya yung boses ko kanina.Abat- itong impakto na ito talaga naman.
"Siraulo ka ba? Ano ba kailangan mo? Bakit ka nandito? Problema mo paulit ulit!!"May mumunting tawa naman ang naririnig ko sa kaniya pagkatapos ko mag salita, halatang pinipigilan niya yung sarili niya na tumawa.
Parang timang naman itong lalaki na ito anong nakakatawa dun duh!!
"Anong nakatatawa?" Pataray na sunod kong sabi dito hindi padin kasi siya nag sasalita pipe na ba ito ngayon tsk! Kung hindi lang siya gwapo eh- whut!!? Nabubuang na talaga ako hays.
"ehem- Kanina pa kita inaantay saan k-."
Ha? Inaantay eh bakit naman niya ako aantayin? Pagkatapos ng ilang buwan na hindi siya nagparamdam sa akin eh ineexpect niya na- teka nga..Abat!! BAKIT NIYA AKO AANTAYIN WEYT! Sino ba siya? Close ba kami ha? Bakit parang hindi ata ako na aware? Eh nag walkout nga lang siya sakin noon tanda ko pa.
Pinutol ko agad ang sasabihin nito, naguguluhan ako bakit naman niya kasi kailangan pang bumalik dito
eh hindi naman kami close hindi ko na nga siya pinabaranggay sa pag gugulo niya sa akin last time kahit na halos ma buang na ako nun sa kaba."At bakit mo naman ako inaantay, sino ka ba talaga ha anong kailangan mo sa akin?"
Napaayos naman ng tayo ito napansin ko ding may hawak pala siyang isang basket ng sunflower? Teka para sa akin bayan?
*dug dug*Weird parang dumoble yung bilis ng tibok ng puso ko pagkatapos kong makita iyon. Naramdaman ko ring uminit ang magkabilang pisngi ko at halos sumabog naman ako sa hiya ng pag angat ko ng aking mga mata sumalubong sakin ang isang pares ng kahel na mata ng taong nasa harapan ko ngayon.
"Yrielnhy, masama ba ang pakiramdam mo? Bakit namumula ka, halika pumasok ka na muna sa bahay."
Hindi na ako nakapalag pa ng hawakan niya ang mga braso ko at pinasok ako sa loob ng bahay.
Nagtataka ko naman siyang tinitignan lang, paano kami na kapasok ng bahay ng hindi man lang binubuksan yung padlock sa gate?Naiwan ko bang bukas ito kanina? Hays! Mukha ngang naiwan ko, tanga ko naman talaga paminsan minsan kung bakit ba naman hindi na ako nadala.
Kaya din siguro ganoon yung panaginip ko kasi hindi ko na lock ng maayos itong bahay. Buti na lang din pala at andito si Dylus atleast may kasama ako baka mamaya kasi may naka pasok na dito hays.
Pero joke lang!!! Bakit ba ganito iniisip ko bakit thankful pa ako na nandito si Dylus eh hindi ko din naman siya ganun kakilala hays.
Kung ano ano na lang talaga na pasok sa isip ko dahil sa lalaki na ito naku naman.
Pinaupo niya ako sa sofa ng sala at matapos niya ata masigurado na maayos akong naka pwesto dito ay sunod namang siyang dumiretso sa kusina nitong bahay.
WOO naman parang siya lang ang may ari nitong bahay ah. Feel at home na feel at home eh ilang beses pa nga lang siyang nakapapasok dito.
Ang galing naman niyang maghula kung saan yung daan ng kusina nitong bahay. Malaki kasi itong bahay kaya madami talagang sulok o lagusan, daan ba kumbaga kailangan mo talagang mag lakad kahit papaano para makadating sa kusina o kung saan mang parte nitong bahay.
Naalala ko sila Tatay, naiintindihan ko naman din sila kung bakit gusto nila sa bahay na lang nila ako tumuloy. Napakalaki naman kasi talaga nitong bahay tapos ako lang mag isa, alam kong nag aalala sila sa akin pero hays ayoko naman itong iwan. Wala na nga sila mama dito aalis pa ako baka tirhan pa ito ng mga ligaw na kaluluwa.
O kaya lumutin masisira pa yung natural na ganda nito. Parang ako wala pading nobyo hanggang ngayon ayan nasisiraan na ng bait. Pero maganda padin naman syempre! Che!!
"Yrielnhy, ito na ang tubig mo."
Bakit ba kasi!! Ihh!! Bakit ang ganda ganada sa pandinig ko ang boses ng lalaking ito? naman ih! Hays!! Nagiging marupok ako dahil dito.
Okay na sana eh kaso ang creepy niya lang kasi talaga parang yung taong makapal ang mukha na palahiram sayo ng gamit alam mo yun.
Yung bigla na lang susulpot o makikilala kapag may kailangan sayo.
"Wow naman muntik ka ng mag feel at home dito sa bahay ah. Bahay mo eh mo? Bilib din ako sayo eh natunton mo yung kusina dito sa bahay."
Pagkatapos kung magsalita nilapag ko na sa lamesa yung baso ng tubig na ininuman ko ngayon ngayon lang.
"Ako ang pumili ng disenyo ng bahay na ito malamang alam ko ang bawat sulok nito."
Kahit pa mahina yung pagkasasabi ni Dylus nun ay malinaw padin naman sa akin yung sinabi niya. Napataas lalo ang kilay ko ng marinig iyon, hindi lang siya feel at home ha, nang aangkin nadin ng bahay.
Jusko naman talaga Dylus balak mo pa atang ibogus ang pamilya ko eh sila mama kaya ang tunay na nag mamaari nito. Chuserang buni talaga ito.
"Ano!? Pabulong bulong ka pa jan eh rinig ko pa din naman. Nahiya ka pa bahay lang naman ng mga magulang ko ang medyo inaangkin mo, bakit hindi mo isama na lang din bahay ng kapit bahay namin."
Walang pag aalinlangan naman itong tumawa sa akin at saka muli akong tinitigan bago nag patuloy sa pag sasalita.
"Mas gumaganda ka Yrielnhy kapag ikaw ay madamdaming nag sasalita. Sana ay lagi kang ganito sa akin."
Nagulat naman ako hindi lang dahil sa sinabi niya, kundi dahil nadin sa bigla nitong paghaplos sa aking kaliwang pisngi na para akong isang batang musmos na nanghihingi ng pang ulam.
"Yrielnhy, masakit pa ba?"
*************************************************
CUT PO ITO WAIT NA LANG SA NEXT UPDATE!
HI MGA MAHALS!
BUKAS MAY UPDATE AKO Uli!! Abang abang lang! Thank you at madamig salamat.
Vote/Comment/Follow👍🏻❤️🤩GUYS ANOTHER ganap!!!
Try to read this story it's my friend who wrote this!!
edeleeeeenI think you'd like this story: "Summer Nights" by edeleeeeen on Wattpad https://my.w.tt/k2axHCnqER
THANK YOU ALL!😍☺️😁
BINABASA MO ANG
PERVERT MOON
General FictionAS OF NOW THE HIGHEST RANK IN KILABOT CATEGORY IS rank 2❤️🌑 🔞 18 yr old plus. Tagu tagu an maliwanag ang buwan, Wala sa likod Wala sa harap Pag kabilang kong sampu Nakatago na kayo. Isa Dalawa Tatlo Apat Lima An- "ahh shit deep bab--y!" (Updat...