" GAGA ka!"
Mahinhin pero pasigaw na sabi sakin ni Niña.
Asa office na ako ngayon nandito kami sa pantry ng floor namin, break kasi namin kaya kumain sa labas ang iba namin katrabaho. Niyaya naman nila kami but we chose to eat here para narin kahit papaano makatipid tipid.
Lalo na ako dahil hindi lang naman ang sarili ko ang binubuhay ko kundi pati ang mga magulang at kapatid ko sa Canada. Canada str. Las Piñas City, Philippines.
Charot. Asa Canada ang pamilya ko dahil sa kapatid kong si Yheniu, nakapasa kasing scholar doon sa isang sikat na universidad ang kapatid kong bunsong lalaki at libre na lahat.
Nang naka graduate at makapagtrabaho naman ako ay late at kung minsan talaga ay hindi na ako nakakauwi kaya madalas walang kasama sila mama at papa sa bahay bukod sa isa ko pang kapatid na babae na si Eunihy.
Nag apply din sa school na pinapasukan ni Yheniu si Eunihy at sa kabutihang palad naman ay nakapasa ang kapatid ko kaya noong nalaman ko na magaaral narin siya sa Canada kasama ang kapatid namin napagdesisyunan ko na isama nalang nila si mama at papa doon atleast may mag babantay sa kanila, sama sama sila sa iisang bahay at para hindi na maiwan na lang sila mama at papa sa bahay namin mababantayan at di na masyado pang magaalala.
Hindi naman na nila kailangan mag alala pa sakin dito dahil na sa tamang edad narin naman ako.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan kong magtrabaho ng mabuti para sa aking pamilya na nasa Canada. Mag tatatlong taon narin akong magisa dito sa bahay namin sa Pilipinas 6 na taon na lang makakasama ko na din sila.
Si Yheniu kasi ay kinuha ang kursong medesina at si Eunighy naman ay Food and Pastries kaya naman about sa pagkain nila roon ay hindi na ako nababahala magaling si Eunihy doon.
"Bakla ka! Kung hindi ka pa parang baliw na may sapi na nanaginip kanina wala. Kapa pa lang balak sabihin sakin ang nangyari sayo kagabi!! "
" Niña, hindi naman lahat kailangan kong sabihin sayo."
Mahinahon kong sagot sa kanya.
Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko base sa reaksyon ng mukha niya, totoo naman hindi naman kasi porke kaibigan ko siya ay kailangan ko ng ikwento ang nangyayari sa akin.
"Grabe ka! Ang sakit mo naman sa part nayon hindi ba pwede na concern ako sayo!!"
Sagot niya sa akin napairap na lang ako sa kawalan.
"Niña ang oa, ayoko na lang naman kasi isipin yung pangyayari nayun sigurado ako na dala lang yun ng pagod ko kahapon sa trabaho."
"Talaga lang ah! Wala lang daw.... pero binabangungot ka na kahit wala pa sa limang minuto na nakatutulog ka! Kaloka ka girl!"
Inirapan niya pa ako saka nauna ng lumabas dito sa pantry.
Hindi na ako nakapagsalita pa tungkol sa nangyari sa akin kanina, buong maghapon mas minabuti ko na itutok na lamang muli sa pagtitipa ng mga kailangan ko pang matapos kahit na sa susunod na araw pa naman ito kakailanganin para ma okyupa na ang buong isipan ko.
BINABASA MO ANG
PERVERT MOON
General FictionAS OF NOW THE HIGHEST RANK IN KILABOT CATEGORY IS rank 2❤️🌑 🔞 18 yr old plus. Tagu tagu an maliwanag ang buwan, Wala sa likod Wala sa harap Pag kabilang kong sampu Nakatago na kayo. Isa Dalawa Tatlo Apat Lima An- "ahh shit deep bab--y!" (Updat...