KABANATA VII

2.8K 44 1
                                    


"Ganda! sukli mo naku" Napalingon naman ako dito, syet ako nga iyon jusko naman nakakahiya naman ito nag effort pa si kuya na habulin ako. Hiyang lumapit naman ako dito masyado na akong nagiging abala sa kaniya.



"Salamat po kuya, pasensya nadin po medyo lutang po kasi ako ngayon." Anong medyo!! LUTANG ako talaga as in, ewan ko ba inaraw araw ko na ata ang pagiging banggag nahiyang na ang ninang.



"Naku.... Ayos lang sanay na ako na may ganito.... malaking halaga kasi itong sukli mo kaya nakakakonsesya na hindi ibalik." Sagot naman nito sa akin- wtf so hindi pala nagbabalik talaga si kuya ng sukli na nakalilimutan ng mga pasahero niya. Grabe kailangan ko na talagang makuha ang baby ko dadaanan ko na talaga siya sa talyer mamaya hays.



"Hehehe sige po salamat uli kuya." Awkward ko namang sagot sa kaniya, tumalikod na ako pagkatapos ng marinig ko itong magsalita. 

"Mahal ka nun wag mo na isipin, tignan mo makikipagbalikan din iyon sayo." Gulat akong nilingon ito na kung saan ay pabalik na sa Taxi na sinakyan ko kanina. Ang taray ni kyah love guru lang ang banat, okay na sana eh kaso hindi ko naman kasintahan o naging kasintahan man lang ang nagpapagulo ng isip ko ngayon.



Anak ng... naku buti na lang at binalik ng driver itong sukli ko- isang libo nga pala iyong binigay ko kanina sayang din ito isandaan lang naman ang nabawas.



Tumuloy na ako sa loob ng mall pagkatapos ma check ang small bag ko na jusko naman tinusok lang naman talaga ng mga gwardya dito. Yung totoo? Hindi naman inspection ang ginagawa nila kundi nanunundot lang eh, mamaya iba na masundot nila dyan mygash. 

Hays.. so ano nga ba ang gagawin ko ngayon na nandito na ako ngayon na nadito na ako eh siguro kakain na lamang muna ako para kahit libutin ko itong buong mall eh ayos lang dahil busog naman ako.


Lingo naman ngayon, wala akong pasok sa trabaho- malamang kaya nga ako nandito myagsh naiistress ako pati sarili ko inaaway ko na banggag na talaga ako. Sinapok ko ng mahigit limang beses ang ulo ko dahil sa kawirduhan na tumatakbo sa isipan ko. Napansin ko naman na nagulat yung mga tao sa paligid ko dahil sa ginawa ko mukhang pinagkakamalan na nila akong baliw base sa reaksyon ng mga mukha nila ngayon.



Malapit ko nadin naman isipin ang sarili ko ng ganyan, limang buwan nadin naman ang nakalipas simula ng mangyari ang tagpo na iyon sa pamamahay ko at sa haba ng panahon na iyon ay ngayon na lang naman ako naka pamasyal. Matapos kasi ang gabing iyon ay naging tahimik naman na ang buhay ko I mean wala na akong naririnig na kakaiba sa tuwing mag isa na lang ako, hindi ko nadin nararanasan yung minsan na parang may nakamasid sa akin pero ang pagiisip at damdamin ko naman lagok na lagok na.


Hindi ko alam pero dati rati na kahit ako lang naman mag isa sa bahay ko eh hindi naman ako na bobored o nalulungkot man lang hindi naman kasi napuputol ang communication ko sa pamilya ko sa Canada kung sa mga kaibigan ko naman paminsan minsan naman ay duon sila natutulog sa bahay para makapagbonding kami pero hindi ko alam kung bakit ganito itong nararamdaman ko.


Nagsimula ito lahat ng dahil sa tao na iyon, malaking palaisipan sa akin hanggang sa ngayon kung sino ba talaga siya, kung paano niya ako nakilala at ano ang kailangan niya sa akin. Bukod sa nakakakilabot na mga naririnig ko at nangyayari sa akin nung nakaraang buwan bago pa siya dumating. Gusto ko masagot na ang lahat ng katanungan na ito na bumabagabag sa akin pero paano ko magagawa iyon kung hindi na siya muli pang nagpakita sa akin. Si Dylus.

PERVERT MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon