Chapter 1
"Oyy ate."
Habang naglalakad pauwi galing eskwelahan, napahinto ako nang tila may tumatawag sa akin.
"Ate, sandali lang."
Lumingon ako at nakita kong tumatakbo palapit sa akin ang isang batang lalaki na sa palagay ko ay kaedad ko lang. "Bakit?"
"Itatanong ko lang sana kung kilala mo si Manuel Magsayo."
"M-Manuel Magsayo?"
"Oo. Pinsan nya kasi ako. Lilipat kasi kami sa katabing bahay nila kaya lang parang naliligaw na ata kami."
Napatingin ako sa likod nya at nakita ko ang isang truck na puno ng mga gamit at nakasakay rin doon ang nanay at tatay nya pati na rin ang isang batang babae na marahil ay kapatid nya.
"Kilala mo ba sya, ate?"
"Ha? Umm.. Oo, kababata ko si Manuel."
Napangiti sya. "Talaga? Alam mo ba kung saan ang bahay nila? Hindi ko na kasi matandaan ang daan papunta sa kanila."
Tinuro ko naman kaagad ang daan papunta sa bahay ng kababata kong si Manuel. "Doon sa pangalawang kanto na yun, lumiko kayo doon. Kapag nakita nyo yung bahay na may malaking puno ng santol, doon ang bahay nila Manuel."
"Naku. Maraming salamat." Kaagad naman syang tumakbo pabalik sa truck. "Ma, malapit na pala tayo. Tara na."
Lumakad naman na ako ulit pauwi sa bahay ng biglang makita ko ang mabilis na andar ng isang kotse.
BEEEEEEEPP!
"KYAAAAAAAHH!"
.
.
.
Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Iyon na ata ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan sa tanan ng buhay ko.Noong mga oras na iyon, kinse anyos pa lamang ako ngunit mabuti na lamang ay naka-survive ako.
Kaya heto ako ngayon, still alive and kicking. Isa na ako ngayon sa pinaka masuhay na guro dito sa eskwelahan na aking pinapasukan.
"Frances, tara na sa auditorium," anyaya sa akin ng kapwa ko guro na si Maam Lizel.
"Sige lang. Susunod na ako doon, maam."
"O sige. Hintayin ka namin ha. Wag kang mahuhuli at baka hindi mo mapanood ang mga performers. Ikaw pa naman ang coach ng seniors."
"Hindi ko yun palalagpasin."
Nang makaalis si Maam Lizel ay kaagad ko na ring inayos ang mga gamit ko dito sa aking table para makasunod na rin sa school auditorium.
Nang makalabas ako ng office, naabutan ko ang ilang mga estudyante na nagkakagulo.
"ANO BA! BITIWAN NYO AKO!"
"AAAAHHHHHH!"
"WOOOOHOOOO! KAYA MO YAAAN!"
Kaagad naman akong tumakbo palapit sa kanila para alamin ang nangyayari. "SANDALI LANG! TUMIGIL NGA KAYO!"
Hanggang sa naipaglayo ko ang apat na babaeng estudyante na nagpang-abot.
"Ano ba naman kayo! Ano bang nangyayari dito?"
Hindi naman na bago sa akin ang mga ganitong pangyayari dito sa aking pinapasukan.
Bilang isang highschool teacher, sinanay ko na ang sarili ko sa mga ganitong pagkakataon.
Ano pa nga ba ang nakakagulat sa mga ganitong pangyayari sa edad nilang ito? Maging ako naman sa sarili ko, napagdaanan ko rin ito.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NATIN - Short Story
Teen FictionKwentong Tambay na iyong kagigiliwan. This is a realistic story that happens for everyone who has a simple life.