Chapter 6
"Yung inggit na nararamdaman ko noon kay Ate Bianca, unti-unting naglalaho dahil kay Miguel. Nang dahil sa isang Miguelito Magsayo na sobrang tanga at walang kamuwang-muwang noon sa mundo ng pag-ibig, yung saya na sinasabi nila ay unti-unti ko na ring nararamdaman."
.
.
.
"Uuwi na ako. Ang daming lamok dito. Ewan ko ba naman kasi kung bakit dito nyo naisipang magtagpo na dalawa.""Dito ka muna. Kinakabahan ako e," sabi ko kay Monica nang hatakin ko sya pabalik sa tabi ko.
"Tss. Sabing hindi nga ako magsusumbong."
"Kahit pa. Kinakabahan ako sa pagdating nya e."
"Wow naman Frances, si Miguel naman yung katatagpuin mo. As if naman na may gagawin syang masama sayo. Sa sobrang sabik mo nga dyan sa lalaking yan, baka nga ikaw pa ang gumahasa sa kanya. Feelingera na to. Itapon kita dyan sa ilog e."
"Uy ano ba. Ang bastos mo naman e. Dont say bad words nga."
"See? Nahahawa ka na sa kawirduhan nyang si Miguelito."
Lalo akong nakaramdam ng kaba nang makita kong parating na sya. "M-Monica, nandyan na sya."
"Nasaan?"
"Ayun sya oh."
Napakunot ang noo ni Monica. "T-Teka lang, saan sya papunta?"
"Hindi ko rin alam."
Nakita namin na palayo si Miguel hanggang sa unti-unti syang naglaho sa aming paningin.
"Naku. Alam ko na yung mga ganyang galawan," sabi ni Monica.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Siguradong may ibang babae na katatagpuin yan. Alam na alam ko yang mga galawan na yan e. Naku Frances, umuwi na tayo."
Unti-unting bumigat ang aking pakiramdam dahil sa sinabi ng pinsan ko. "Sa palagay mo?"
"Oo nga. Alam ko yang mga ganyang galawan. Certified chikboy ako di ba?"
Napaiwas ako ng tingin. "I-Ibig sabihin may... may iba pa syang nililigawan?"
"Mismo. Kaya tara na, umuwi nalang tayo. Hindi pa ako nakakapagsaing e."
Napangiti ako at nakurot ng malakas si Monica sa tagiliran nang muli kong makita si Manuel.
"Aray. Ano ba! Tangina naman e."
"Monica, ayan na ulit sya."
"Saan?" Napatingin sya kay Miguel na kasalukuyang nagpapalinga-linga sa paligid. "HOY MIGUEL!"
"Monica, ano ba. Tumahimik ka nga."
"MIGUEL! TOL! NANDITO KAMI!"
Hanggang sa lumingon si Miguel at napangiti sya nang makita nya kami.
Ang cute pala talaga nya lalo na kapag ngumingiti.
"Nandito lang pala kayo," natatawang sabi ni Miguel.
"Oo nga e. Saan ka ba nagpupupunta?" Tanong ni Monica.
"Akala ko kasi nandoon kayo banda."
Natatawang tumingin sa akin si Monica. "Paano ba yan, nandito na ang manliligaw mo. Pwede na ba akong umalis?"
Marahan ko syang kinurot. "Ano ba," nahihiya kong sabi.
Lalo pa syang tumawa. "Uy namumula sya oh. Hoy Miguel, ano bang pinakain mo dito sa pinsan ko? Bakit ganito sya kiligin?"
"Ha?"
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NATIN - Short Story
Teen FictionKwentong Tambay na iyong kagigiliwan. This is a realistic story that happens for everyone who has a simple life.