5. Sa bandang tindahan

101 5 9
                                    

Chapter 5

"FRANCES! ANO BA! HINDI MO PA TAPOS YUNG HINUHUGASAN MO DITO!" Sigaw ni mama mula sa kusina.

"Sandali lang po!" Kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto ni kuya at naabutan ko sya doon na natutulog. "ANO BA! NASAAN YUNG CHARGER KO?!"

Napabalikwas si kuya. "A-Ano ba yun?"

"Yung charger ko nga!"

Kaagad naman nyang inabot sa akin ang charger ng phone ko. "H-Heto na oh."

Hinablot ko naman ito at agad na akong umaalis. "Tsk Hindi marunong magpaalam."

Kaagad ko nang kinabit sa charger ang phone ko at agad na rin akong nagtext.

FRANCES: This is Frances Ravilla. Save nyo itong bagong number ko. Thanks. GM.

Ilang saglit pa ay nagreply na ang ilan kong mga kaibigan.

ASHLY: Bakit naka-smart ka na?
.
.
.
"Ganun naman talaga kapag inlove ka di ba?"

"Ang dating po kasi, parang kayo po ang patay na patay kay Miguel," sabi ni Tricia.

Natawa nalang ako sa sinabi nya.
.
.
.
"Frances, anong ginagawa mo dyan?" Tanong ng kababata kong si Lea nang makita nya ako dito sa tapat ng tindahan.

"Wala. Nagpapahangin lang."

Kaagad rin naman syang umalis.

Napapadyak ako sa lapag at napakamot sa paa dahil sa dami ng lamok na kanina pa ako pinapapak.

Nakakainis. Dalawang oras na akong naghihintay dito pero hindi pa rin sya dumarating. Hindi biro ang dalawang oras, puneyeta na yan. Nasabi kaya ni Monica ang pinapasabi ko?

Hanggang sa napangiti ako nang makita ko na syang naglalakad palapit sa akin. "Frances."

Ngumiti ako sa kanya. "Oww.. Hello. Ikaw pala, Miguel."

"Nasabi kasi sa akin ni Monica kaninang hapon na pinapapunta mo daw ako dito sa tindahan ngayong gabi."

Kumunot ang noo ko. "Pinapapunta? Ahh.. Oo nga pala. Ahehe.. Nakalimutan ko. Sorry."

"Ayos lang. Nandito ka naman e. Kanina ka pa ba dito?"

"Ha? H-Hindi naman. Kararating ko lang. Actually, pinabili lang ako ni mama ng suka e saktong dito sa tindahan kaya naalala kong pinapapunta pala kita. Sorry, medyo makakalimutin kasi ako. You know naman, maraming bagay dito sa mundo na mas interesado ako."

"G-Ganun ba?" Naupo sya sa tabi ko. "Bakit mo pala ako pinapapunta dito?"

Dahil nga liligawan mo pa ako, tanga! "Umm.. Bakit nga ba? Naku. Nakalimutan ko rin. Pasensya na talaga."

"Ah sige. Kung ganun din, edi ako nalang ang may sasabihin sayo."

Mabilis pa sa alas-kwatro nang sumagot ako. "Ano yun?"

"Umm.. Nakapagpaalam na ako kay mama."

"Nagpaalam na?"

"A-Ano.. Umm.. Nakapagpaalam na ako na liligawan kita. P-Pinayagan naman nila ako pero alamin ko lang daw ang limitasyon."

Napangiti ako pero kaagad ko itong itinago. "Hmm.. Edi... Edi wow."

Napatingin sya sa akin. "Ikaw ba? Nakapagpaalam ka na rin ba?"

"Gusto mo bang palayasin ako ng mga magulang ko?" Inis kong sabi.

"Sorry. Hayaan mo, hindi ko na itutuloy ang panliligaw ko sayo."

ANG KWENTO NATIN - Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon