Chapter 11
"NAKAKAHIYA KAAA!"
Ilang araw ang lumipas mula nang gumawa ako ng malaking eskandalo sa eskwelahan, nalaman rin na ni mama ang dahilan kung bakit isang linggo akong hindi maaaring pumasok.
"Sinasayang mo lang lahat ng ginagastos namin para sa pag-aaral mo! Hindi ka namin pinalaking ganyan para makipag-away sa eskwelahan!"
Matinding sermon ang inabot ko kay mama. Pero wala akong maibigay na sagot at pagtanggi. I guess I really deserve to be treated like this.
Hindi pa napigilan ni mama ang maiyak dahil sa matinding galit na kanyang nararamdaman. "At lalaki pa talaga ang dahilan para gawin mo ang eskandalo na yun! Kababae mong tao, Frances! Nakakahiya ka, nakakahiya ka!" Nabato nya pa sa akin ang mga unan.
"Ma, tama na yan," pigil ni kuya kay mama.
Pero tila kahit anong pag-awat ni Kuya Fred kay mama ay wala syang magawa.
"Kahit kailan, hindi nadungisan ang pamilya natin ng ganyang eskandalo.. I-Ikaw lang.. Ikaw lang kaisa-isang gumawa nyan.."
Katulad ni Kuya Fred, wala rin akong magawa kundi ang mapayuko nalang at tanggapin lahat ng masasakit na salita na alam kong karapat-dapat lang para sa akin. Gayunpaman, pinigilan ko pa ring umiyak.
Ilang saglit pa ay dumating na si papa galing sa trabaho. "Anong nangyayari dito?" Nagtatakang tanong nya nang maabutan nyang umiiyak si mama.
"Yang anak mo! Tanungin mo yang anak mo!" Umiiyak na sagot ni mama habang dinuduro ako.
"Frances?" Sambit ni papa.
Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga.
Si kuya naman na ang sumagot para sa akin. "Pinatawag po si mama sa school dahil nakipag-away si Frances."
"Totoo ba yun, Frances?"
Tila hindi ko naman magawang sumagot.
Muling lumabas ang galit ni mama. "Nakipag-away sya nang dahil lang sa lalaki!"
"S-Sinong lalaki?"
"Yung pamangkin ni Dolores." Humarap sa akin si mama habang umiiyak. "Umamin ka nga sa akin, ano ba ang relasyon nyo ng lalaking yun?!" Galit nyang tanong.
Nang hindi ako makasagot, hinatak pa ni mama ang braso ko sa galit.
"SUMAGOT KA! BOYFRIEND MO BA ANG LALAKING IYON?!"
"Ma, tama na yan," sambit ni kuya.
Hanggang sa paulit-ulit na hinatak ni mama ang braso na dahilan para magalusan pa ako.
Napayuko ako at lumabas ang kaisa-isang sagot na nagawa ko. "Ma.. S-Sorry.." Pumatak ang luha ko at kaagad ko itong pinahid.
Sa maikling salitang binitiwan ko, alam kong pahiwatig na rin iyon ng pag-amin sa mga akusasyon nila sa akin. Akusasyon na lahat ay may katotohanan.
.
.
.
"Katotohanan na ginawa ko ang lahat ng bagay na iyon. At katotohanan para tuluyang mawala ang tiwala sa akin ng mga magulang ko." Isang matipid na ngiti ang binigay ko sa aking mga estudyante."Si Miguel po? Ano pong reaksyon ni Miguel nang malaman nyang alam na ng mama nyo ang tungkol sa inyong dalawa?" Tanong ni Tricia.
"Hindi ko na nasabi sa kanya. Matapos ang lahat ng nangyari at masasakit na salita na nabitiwan nya, para bang nawalan na ako ng lakas ng loob na humarap ulit sa kanya."
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NATIN - Short Story
Teen FictionKwentong Tambay na iyong kagigiliwan. This is a realistic story that happens for everyone who has a simple life.