4. Daan Pauwi

123 5 7
                                    

Chapter 4

"Naranasan nyo na ba yung feeling na wala naman kayong gusto sa isang tao, pero dahil may nagsabi sa inyo na may gusto sayo ang taong iyon, nagkagusto na rin kayo sa kanya?"
.
.
.
"I FINALLY MOVED ON! WOOOHOOO!"

Napangiwi si Monica at napatingin sa akin. "Anong meron?"

Naupo ako sa tabi nya na masayang-masaya. "KYAAAAAH! I CANT BELIEVE IT! Biruin mo, parang wala na yung sakit na nararamdaman ko sa panlolokong ginawa sa akin ni Arnel." Ngumiti ako sa kawalan. "Kung sabagay, sino nga ba sya para pag-aksayahan ko ng luha? Pwe! Hindi ko sya kailangan."

"Wow. Kung makapagsalita ka parang naging kayo talaga ni Arnel ah."

Sumandal ako at tila hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking labi. "Mabuti nalang pala hindi ako natuluyang nasagasaan at namatay noong nakaraan. Kung sakali, hindi ko mararamdaman yung ganito kasayang feeling. Yung feeling na... Yung feeling na ang lakas ng kabog ng dibdib mo sa sobrang saya. Yung feeling na parang... parang.. hayyy... ang hirap i-explain."

"Sandali nga lang. Hindi kita maintindihan. Ano ba talagang meron? Bakit parang kahapon lang, iniiyakan mo pa si Arnel tapos ngayon bigla nalang nakapag move-on ka na agad?"

"Ganun talaga. Dahil nakita ko na ang lalaking karapat-dapat para sa akin."

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba may bago ka na namang crush e. At sino naman ang lalaking yan?"

Ngumiti ako sa kanya. "Edi si Miguel."

Nanlaki ang mata ni Monica. "Whaat? Yung pinsan ni Manuel na tanga-tanga? Ano naman ang nagustuhan mo doon?"

"B-Bakit ba? Gwapo naman sya ah. Kung tutuusin, mas gwapo pa nga sya kay Arnel e. At saka nakalimutan mo na ba? Di ba sinabi ni Manuel kagabi na may gusto sa akin ang pinsan nyang yun? KYAAAAAH! KINIKILIG AKO!"

"Ewan ko sayo, Frances. Binigyan ka lang ng regalo, nagkagusto ka na sa kanya. At saka naniwala ka naman kay Manuel na may gusto sayo yung pinsan nya. Kilala mo naman yung gagong yun, bata palang tayo sinungaling na."

Natigilan ako. "S-Sa palagay mo nagbibiro lang si Manuel nung sinabi nya yun?"

"Posible. Lasing na lasing kaya sya kagabi."

"Ah basta. Naniniwala ako na type ako ng pinsan nya. Heto ang tandaan mo, magiging boyfriend ko ang Miguel na yan."

"Paano mangyayari yun e hindi ka naman nya nililigawan? At saka hindi nga kayo close nung gagong yun di ba?"

"B-Baka nahihiya lang sya."

"Edi ikaw ang bahala. Wag ko lang malalaman na ikaw ang nanligaw doon sa lalaking yun dahil ikakahiya talaga kita."
.
.
.
"Tama si Monica. Paano nya ako liligawan kung hindi naman kami close?"

"Pero di ba po magkapitbahay lang kayo?"

"Oo. At yun ang ginawa kong paraan para makausap sya."
.
.
.
Umabot din ng mahigit thirty minutes ang paghihintay ko dito sa gate ng school sa paglabas ng pinsan ni Manuel.

Hanggang sa nakita ko na syang naglalakad palabas at agad ko naman syang sinundan.

Napahinto ako nang makita kong huminto din sya at kinausap ang isang babae.

Kinilala ko ang babaeng kausap nya at napagtanto kong si Geraldine ito, ang girlfriend ni Arnel.

"Bwiset na ito. Lahat nalang ba ng lalaki na gusto ko ay lalandiin nya?"

ANG KWENTO NATIN - Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon