2. Pasabay Street

113 9 9
                                    

Chapter 2

"Hintayin mo nalang ako dito. Ako na ang bibili ng meryenda natin," sabi ni kuya kay Ate Bianca.

"Wag mong kakalimutan yung fudgee bar ko ha."

"Oo na nga. Hindi ko kakalimutan."

"Thank you."

Humalik pa ang kuya ko sa kanyang girlfriend bago ito lumabas ng bahay at bumili ng aming makakain ngayong hapon.

Dahil official na silang mag-on ng kuya ko, napapadalas na rin ang pagtambay ni Ate Bianca dito sa bahay kapag walang pasok. Kung minsan naman ay si kuya ang tumatambay sa kanila.

Napatingin ako kay Ate Bianca na muling naupo at nagkakalikot sa kanyang phone.

"Ate Bianca."

"Hmm?"

"Anong feeling ng may boyfriend?"

Natigilan sya at napatingin sa akin.

Umiwas naman ako ng tingin. "Umm.. P-Pinapatanong kasi ni Monica."

"Si Monica? Di ba tomboy si Monica?"

"Ha? Ahehe.. Oo nga pala. E-Ewan ko ba doon. Siguro gusto nya lang malaman kung paano nga ba pasayahin ang isang babae."

"Hmm.. Kung maranasan ni Monica na magkaroon ng boyfriend, siguradong makakalimutan nya ang pagiging lesbian nya."

Natigilan ako sa sinabi ni Ate Bianca. "B-Bakit naman?"

"Iba kasi ang pakiramdam kapag may boyfriend. Lalo na kung mahal mo ang boyfriend mo, at ramdam mong mahal na mahal ka rin nya."

"Anong pakiramdam?"

Ngumiti sya sa akin. "Sobrang saya. Yung para bang... P-Para bang wala ng hihigit pa sa kasiyahan. Yung parang walang gabi na hindi ka masasabik sa paggising mo para sa bukas."
.
.
.
"Dahil sa sinabi ng girlfriend ng kuya, lalo tuloy akong nasabik na magkaroon ng boyfriend," sabi ko sa apat na estudyante.

"Pero maam, di ba fifteen palang din kayo nun?"

Ngumiti ako. "Oo. At yun ang panahon na sobrang curious ang isang kabataan tungkol sa mga bagay-bagay. Lalong-lalo na sa.."

"Lalong-lalo na saan?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Lalong-lalo na sa pag-ibig."
.
.
.
"ARNEL! SANDALI LANG!"

Lumingon sa akin ang kaklase ko. Si Arnel? Sya lang naman ang hangad kong maging boyfriend.

"F-Frances?"

Lumapit ako sa kanya. "Umm.. Ano kasi.. Nagawa mo na ba yung project natin sa T.L.E?"

"Yung banig ba?"

"Ha? O-Oo. Yun nga."

"Hindi ko pa nagagawa e."

"Ganun ba? Naku. Ako nga rin e. Hindi ko kasi alam kung paano gawin e."

"Mayroon daw video sa youtube na tutorial. Papanoorin ko nalang yun."

"Ah sige."

"Sige din." Lalakad na sana sya paalis nang muli ko syang tawagin.

"Arnel."

"Bakit?"

"Umm.. Uuwi ka na?"

"Oo e. Gusto mong sumabay? Sa Sinuluban lang naman ang bahay nyo di ba? Tara. Sabay na tayo."

"Naku. Pasensya na. Hinihintay ko pa kasi yung pinsan kong si Monica e."

ANG KWENTO NATIN - Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon