Chapter 3
"WAAAAAAA! AYAAAW KO NAAA!"
To the rescue naman ang pinsan kong si Monica. "Frances, tama na. Hayaan mo na sya." Pinahid nya pa ang mga luha ko.
Kasabay pa nito ang background music mula sa phone ni papa.
..Bakit nga ba mahal kita, kahit di pinapansin ang dadamin ko..
Tumingin ako kay Monica habang nakahawak sya sa mga pisngi ko. "Bakit nya ako niloko? Paano nya nagawa sa akin ito? Bakit nya ako pinagpalit sa Geraldine na yun?"
"Kaya mo yan. Makakalimutan mo din sya. Ano ka ba naman, insan. Ang ganda-ganda mo. Siguradong marami ka pang mahahanap na iba."
...hindi mo man ako mahal, heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sayo...
"Pero sa ginawa nya, pakiramdam ko ang pangit-pangit ko."
Tumingin sya sa aking mga mata. "Hindi ka pangit. Maganda ka, Frances. Yan ang palagi mong tandaan. Maganda ka."
..oh bakit nga ba... Mahal kita...
"P-Pero bakit nya ako-" Hanggang sa huminto na ang tugtog. "S-Sandali lang." Lumapit ako sa phone ni papa at muling pinagtugtog ang kanta.
..kapag ako ay nagmahal.. Isa lamang at wala nang iba pa...
Bumalik ako sa tabi ni Monica. "So ayun nga.. A-Ano na nga ba yung sinasabi ko?"
"H-Hindi ko na rin maalala."
"AH BASTA! Niloko nya ako."
Biglang tumayo si Monica. "Gusto mo bang gantihan natin ang Arnel na yan sa panlolokong ginawa nya sayo?"
Napatingin ako sa kanya. "G-Gantihan?"
"Oo. Gagantihan natin sya. Marami akong kaklaseng gangster sa school. Pwede natin sya ipabanat sa Lunes."
"P-Pero.."
"Niloko ka nya. Syinota ka nya tapos biglang ipagpapalit ka nya sa Geraldine na yun."
"P-Pero hindi ko pa boyfriend si Arnel."
Napangiwi si Monica dahil sa aking sinabi at bigla akong binatukan.
"Aray naman."
"Kung makapag-react ka na niloko ka ni Arnel, wagas. E hindi ka naman pala nya girlfriend."
"H-Hindi nga. Pero kasi naman e.. Umasa ako na ako ang liligawan nya tapos malalaman ko na sila na pala ni Geraldine."
"Kahit pa! Hindi ka naman girlfriend e. Pasabi-sabi ka pa dyan na niloko ka nya tapos may pa-background music-background music ka pa dyan, di naman pala naging kayo."
Napayuko ako at muling napaiyak. "Maiiwasan ko bang masaktan kung mahal na mahal ko talaga sya? I hate this life. Sana pala natuluyan nalang akong nasagasaan at namatay para hindi ko na nararanasan ang sakit na ito e."
Muli naman akong binatukan ni Monica.
.
.
.
"Noong mga panahon na yun, akala ko yun na talaga ang pakiramdam kapag broken hearted. Akala ko yun na ang sinasabi nilang masakit kapag umiibig. Higit sa lahat, yung nararamdaman ko para kay Arnel Delvano, akala ko yun na ang totoong pag-ibig," sabi ko sa mga estudyante ko."So kaya po pala hindi si Sir Delvano ang first boyfriend mo dahil nagkaroon na po sya ng ibang girlfriend noong time na yun?" Tanong ni Tricia.
"Parang ganun na nga. Alam nyo ba na may pagkasalbahe din ako noong highschool days ko?"
.
.
.
"Sige na, bumili na kayong ticket. Maganda ang presentation namin sa Biyernes," sabi ng kaklase naming si Dave habang nakatambay kami ni Ashly dito sa labas ng school.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NATIN - Short Story
Teen FictionKwentong Tambay na iyong kagigiliwan. This is a realistic story that happens for everyone who has a simple life.