Chapter 7
"Noong kabataan ko, maraming tanong sa aking isipan. Ano nga ba ang pakiramdam ng magkaroon ng kasintahan? Ano nga ba ang pakiramdam ng umiibig? Nasagot ko lahat ng tanong ko mula nang makapagdesisyon ako. Desisyon na walang kasiguruhan, pero desisyon na alam kong magbibigay sa akin ng lubos na kasiyahan."
.
.
.
"Ma, pwede ko na bang kunin yung phone ko?" Tanong ko nang maabutan ko syang nagluluto."Hindi pwede. Maligo ka na at baka mahuli ka sa eskwela."
"Aish. Ma naman e. Sige na kasi. Hindi ko na uulitin."
"Tapos ano? Doon ka magse-cellphone ng magse-cellphone sa school niyo? Hindi pwede."
"Hindi na nga po e. Ibalik nyo na kasi sa akin dahil siguradong magtetext sa akin yung mga kaklase ko."
"Hindi sabi pwede," madiin nyang sabi.
Yumakap pa ako mula sa likod nya. "Ma, naman. Please.. Hindi ko na nga uulitin."
Napabuntong hininga si mama. "Kunin mo doon sa taas ng refrigerator!" Galit nyang sabi.
Napangiti ako. "Thank you, ma." Kaagad akong pumunta sa refrigerator para kunin sa ibabaw nito ang phone ko na kinumpiska ni mama.
"Umayos ka, Fraces ha! Malaman ko lang na puro ka cellphone sa eskwela, humanda ka talaga sa akin!" Banta nya pa.
"Oo na nga po." Nang makuha ko ang phone ko ay agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto.
"Maligo ka na at alas-nwebe na!" Pahabol pa ni mama.
Mabuti nalang at may password ang phone ko kaya hindi nabasa ni mama ang mga nakapaloob dito.
Nang buksan ko na ang phone ko, nakita ko na ang napakaraming text ni Miguel. Binasa ko nalang ang pinaka huli.
BABY MIGUEL MAGSAYO: Tulog k n cguro kaya di ka na sumasagot. Goodnyt babe.
Napangiti ako sa aking nabasa.
Nagawa ko pang magtext sa kanya dahil may load pa naman ang phone ko.
FRANCES: Good morning babe.
Mabilis pa sa alas-kwatro nang magreply sya.
BABY MIGUEL MAGSAYO: Good morning din babe. See you sa school.
Biglang bumukas ang pinto. "Frances!"
Kaagad ko namang itinago ang phone ko sa aking likuran. "Ma?"
"Di ba sinabi ko na maligo ka na?! Mahuhuli ka na sa eskwela!"
.
.
.
"Yung tipong gigising ka sa umaga na sya kaagad ang gusto mong batiin. Yung tipo na kapag binati ka nya, buo na kaagad ang araw mo."
.
.
"You have to put this variable to the other side of the equation. Therefore, it will become negative.."Habang nasa last subject kami ng aming klase, kinalabit ako ng bestfriend kong si Ashly.
"OMG. Frances, sya iyon di ba?" Napapakurot pa sya sa aking braso dahil sa sobrang kilig.
Napatingin ako sa labas ng classroom namin at nakita ko doon si Miguel na nakatayo at naghihintay.
"To find the value of X, you have to divide this variable to the denominator."
"Grabe. Cute pala talaga sya."
"Pssshhh.. Tumahimik ka nga," inis kong saway kay Ashly.
"Understood?" Sambit ng teacher namin.
"Yes, maam."
"That's all for today. Goodbye, class."
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NATIN - Short Story
Teen FictionKwentong Tambay na iyong kagigiliwan. This is a realistic story that happens for everyone who has a simple life.