Chapter 10
Huminga ako ng malalim at lumakad palapit kay mama. "Ma?"
Lumingon sya sa akin habang nagtatahi ng kanyang nasirang damit. "Bakit?"
Naupo naman na ako sa bakanteng upuan. "Alam nyo po ba na may girlfriend na si Monica?"
Bahagya syang natawa. "Oo. Nasabi nga sa akin ng tita mo. Yang pinsan mo talaga, mukhang wala na talagang pag-asang maging babae pa."
"Umm.. A-Ano naman po ang reaksyon nyo doon?"
"Nakakatawa pero ano ang magagawa natin, doon masaya si Monica. Hindi naman natin sya pwedeng pigilan."
"Ibig pong sabihin, kung saan masaya ang isang tao, hindi nyo pipigilan?"
"Ganun na nga siguro."
Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob. "P-Paano po kapag ako?"
Kumunot ang noo ni mama. "Tomboy ka rin?"
"Ha? H-Hindi po. Hindi po ganun. Ang ibig ko pong sabihin... paano po kung... kung magkaroon na ako ng boyfriend?"
Halatang natigilan si mama at napatingin sa akin ng seryoso. "May... May boyfriend ka na?"
Napaiwas naman ako ng tingin. "W-Wala po. Pero kasi... Meron pong nanliligaw sa akin."
Tinuloy ni mama ang kanyang pagtatahi ng damit. "Hindi pwede."
Natigilan ako sa sinabi nya. "P-Pero ma.. B-Bakit si Monica?"
Hindi naman na sumagot si mama.
"Ma."
Tumingin sya sa akin ng seryoso. "Iba si Monica, iba ka. Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede. Ang bata-bata mo pa, tapos yan na ang nasa isip mo. Ano? Gagaya ka sa ibang kabataan dyan na nagpabuntis ng maaga dahil sa kalandian nila? Hindi pwede!"
Napabuntong hininga ako. "S-Sige po." Tumayo naman na ako. Papasok na sana ako sa kwarto nang muling magsalita si mama.
"At dyan sa manliligaw mo, kung sino man sya, sabihin mo na tigil-tigilan ka nya dahil oras na malaman ko kung sino sya, eskandalo lang ang aabutin nya sa akin."
.
.
.
"Then that's the sign.""Sign of what?" Tanong ng mga estudyante ko.
"Na ihinto ang plano namin ni Miguel."
.
.
.
"Ano na? Mapapakilala mo na ba ako sa inyo bilang boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Miguel nang magkita kami dito sa kanto."Y-Yun na nga e. Kaya kita pinapunta dito dahil sa plano nating yun."
"So ano nga?"
"Umm.. Negative e."
Kumunot ang noo nya. "Negative?"
Bahagya akong napayuko at tumango. "Si mama kasi. S-Sinabi nya sa akin na hindi pa ako pwedeng magkaroon ng boyfriend."
Natigilan si Miguel hanggang sa napabuntong hininga sya.
"S-Sorry talaga."
Binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti. "Ayos lang. Naiintindihan ko naman e." Naupo sya sa mahabang upuan.
Pinagmasdan ko lang sya at hindi ko rin maitatanggi na nararamdaman ko rin ang lungkot na nararamdaman nya.
"So anong plano sa next monthsary natin?"
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NATIN - Short Story
Teen FictionKwentong Tambay na iyong kagigiliwan. This is a realistic story that happens for everyone who has a simple life.