Chapter 3: Sleepover
A I R A Z E L L A
" Uy Be baba lang ako saglit kukuha lang ako ng pagkain natin. " Sabi ni Elle.
Tumango na lang ako, dahil busy ako sa panonood nang biglang tumabi sakin si En.
By the way, di ko pa napapakilala sarili ko, although pinakilala na ako ni Elle sa inyo iba pa din pag ako nagpakilala mismo, I'm Airazella Alonte. Just call me "Air" or "Hangin". I'm 17 years old. Ako pinakamatanda. My birthday is April 9, 1996. I don't really like introducing myself, aksaya sa words. Back to reality.
" Be ano yang pinapanood mo? " Tanong ni En.
" Insidous III. " Sagot ko naman. Tumango na lang si En at nagsimulang makinood.
Napasigaw kami ni En ng malakas ng biglang may lumabas na nakakatakot sa pinapanood namin at kasabay nito ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ni Elle na may dalang mga pagkain.
" Shhhhhhh!!! Wag kayong maingay baka magigising sila Mommy " Agad namang sabi ni Elle nang makapasok siya sa kwarto.
Pagkaupo ni Elle sa kama biglang may kumatok.
Nagkatinginan kaming tatlo at dali dali naming sinarado yung laptop at nagtalukbong.
Biglang bumukas yung pintuan.
"Shhh! " sabi ni Elle.
Tss. -.- mga abno. Si Tita lang naman yun
"Ay tulog na pala itong mga ito, hindi man lang inubos ang pagkain. Di man lang pinatay ang ilaw" sabi ni Tita at kinuha yung mga pinagkainan namin at tsaka pinatay ang ilaw.
"Tulog na ba kayo?" Tanong ni Elle at narinig naming humilik si En.
Tsk. Tsk. Baliw na ugaw. Nagtulog-tulugan siya pero nakatulog na ng tuluyan.
Bumangon na lang kami ni Elle at tinuloy ang panonood. Hinayaan na namin si En dahil natulog na. Pero nung ang pinapanood na namin ay We Bare Bears ay nagising siya.
"Ahhhhh!!!!! Grizzly Beaaaar!!!" Sigaw ni En..ay gising pa pala
At biglang pumasok si tita sa kwarto.
"Aba't kala ko ba tulog na kayo? Maaga pa kayong aalis bukas diba? Magsitulog na nga kayo at kami'y nabubulabog sa inyong kakasigaw!" Medyo naiinis na sabi ni Tita
"Eh Mama, 4pm pa naman alis namin bukas.." Sabi ni Elle. napailing nalang si Tita..
"Oh siya, basta wag kayong magiingay. Sige matutulog na kami.." sabi ni Tita at sinara yung pintuan. Nagtinginan kami at tumawa yung dalawa
Tsk! Mga abno..
Nanunuod lang kami ng We Bare Bears.. nagiingay naman sila En at Elle.. Mga abno talaga
"Ano ba yan! Kinuha ni Mama yung pagkain natin" sabi ni Elle at nagkibit balikat.. Hulaan ko nagugutom nanaman itong babaeng 'toh.
![](https://img.wattpad.com/cover/131493005-288-k143078.jpg)
YOU ARE READING
Almost Reality
Fanfiction》ALMOST REALITY《 ALMOST means very nearly but not exactly or entirely. REALITY means something that actually exists or happens. ALMOST REALITY. Yung akala mo malapit ka na sa realidad pero di pa pala. Akala mo totoo na ang lahat pero panaginip lang...