AR 7

9 2 0
                                    

Chapter 7: Sulky

E L L E S S I S C H I A

Tahimik.. Napaka tahimik... Tanging tunog lang ng alon ang iyong maririnig.

Naka poweroff ang aking cellphone ngayon dahil mas gusto kong mapagisa lang muna ngayon. Nakaayos naman na lahat ng gamit ko kaya kahit hindi muna ako umuwi sa bahay na tinutulugan namin pansamantala. At saka nakaayos na siguro mga papeles namin. Sabi ni kuya kanina bago ako pumunta dito inaayos na ni Bang PD yung mga papeles namin papuntang Korea at  yung magiging pangalan namin doon. I'm so exciteeed pero hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kuya ko si Kim Namjoon ng BTS. Mahirap paniwalaan but that is the truth.

"It's so beautiful here" sabi ko.

"Oo nga" nagulat ako nung may nagsalita sa tabi ko. Tinignan ko ito pero hindi ko siya kilala.

I just give him an awkward smile.

"Bakit ka pala nandito miss? Palubog na ang araw oh" sabi nung lalaki.

"Sorry I don't talk to strangers" sabi ko. Pero dahil hindi mahiyain itong kasama kong lalaki nilahad niya ang kamay at sinabing "Hi Miss. I'm Claix" sabi niya.

Hmm.. Claix. Familiar.

"Then?" Sabi ko dahil wala naman akong balak makipagkilala sa kanya. Duuh. Never.

Mukhang napahiya siya dahil sa ginawa ko. Pero dahil naaawa ako sakanya nakipagkilala na lang din ako. I'm not a bad person. Nilingon ko siya.

"Hi Claix! I'm Ellessischia. Elle for short. I'm sorry about what happened kanina. Wala ako sa mood kanina" sabi ko at nagulat naman siya. Siguro dahil hindi niya inaasahan na magpapakilala ako sa kanya.

"Nice meeting you Elle" sabi niya. Mukhang mabait naman ata siya.

"Ano palang ginagawa mo dito Elle?"sabi niya

"Nagpunta ako dito para magrelax" I said. Tumango tango na lang siya. Ngayon di ko na feel magsalita.

Nanatili lang kaming tahimik sa mahabang oras na yon. Tinanong ko siya kung anong oras na.

"It's already 2:00am" sabi niya.

WHAT?! 2:00AM?! Apat na oras ang byahe dito makakarating ako sa bahay ng 6:00 am. I better get going.

"Claix, salamat sa time. Pero I need to go. Hinahanap na siguro nila ako sa bahay. Bye Claix" sabi ko at nagwave ng kamay. Nalungkot ang kanyang mukha pero di nagtagal nag smile din siya at ako tumakbo papuntang kotse ko. Siguro nagtataka kayo kung nasaan ako no? Nandito ako sa San Fabian. Ang layo nga ng narating ko. 4 hours ang byahe papunta dito kung galing kang manila. Sa ngayon nag dra-drive ako pabalik na sa Manila.

After 4 hours nakarating na ako sa condo na tinutuluyan namin. Pagpasok ko nandoon na silang lahat nag brebreakfast na sila. At dahil maingay ang pinto pagkasara ko napalingon sila sa akin. Lahat sila, pati si Bang PD nim. Pero after non bumalik lang sila sa pagkain nila na parang walang nangyari. Luh? Anyare sa kanila? Lumapit ako sa table at uupo na sana ng biglang nagsalita si Air.

"Diyan nakaupo si Kuya Suga" sabi niya. Pagkasabi niya non biglang dumating si Kuya Suga at umupo doon. Nilibot ko ang tingin ko pero wala ng bakanteng upuan.

Almost RealityWhere stories live. Discover now